Custom Search

Saturday, 10 May 2008

Swelduhan na!

Bumabagsak-bagsak pa ang talukap ng mata ko ng gisingin ako ng pag-uusap ni Jamie at ni Dad. Ewan ko ba hanggang ngayon asiwa akong tawagin un tatay ni Jamie na "Dad". Hehehe.. Sa "Tatay" lang kasi ako sanay. Iba nga pala dito, Kasi nga English ang salita kaya ayun.

Bweno, 7:15 ng umaga, gumayak na ako. 8:30 kasi kailangan nasa hotel na ako. Kasi tuturuan ako ng amo ko ng iba pang gawain ngayon. Tutulungan ko raw sia sa pagse-serve nga pagkain sa mga guests. Bago mag-alas otso y media nasa hotel na ako. Nagluluto na ng breakfast si Kath. UK Breakfast ang tawag nila dun. Kapag merong bacon, nilagang itlog or sunny side up na itlog, mushroom, kamatis at toasted bread. Siempre katerno nun tsa-a o kape. O di ba? Sosyal! Eh sa pinas kaya, Tuyo, kamatis at sinangag na kanin ayos na ang buto-buto. Namimiss ko na kaya yun!

Dalawang mag-asawa, Isang German lady at dalawang matandang babae ang nadatnan ko . Inutusan ako agad ni Kath na tanungin kung ano pa ang order ng bagong upo'ng bisita. Mukhang mababait sila. Natapos ko agad at nagawa yung mga iniutos ni Kath. Narinig ko pa nga sinabi nia "You're a quick learner! Its not that hard isn't it?" Madali lang naman talaga. Nagiging mahirap lang kapag ayaw talagang gawin. Mukha ngang mas madali pa ito kesa mag-blog. Hehe

Natapos ako ala-una y media. Ang tagal ko palang naglinis. Medyo nahihilo-hilo na rin ako sa gutom. Kaya nagkipagkwentuhan lang ako ng konti sa asawa at anak ni Kath tapos nagpaalam na rin ako. Papaalis na ako nung tawagin ako ni Brian ( Asawa ni Kath ). Sabi niya, "Come here, You want some money?"Ang tanga ko talaga. Hindi ko pa naintindihan nung una ang ibig sabihin. Iiling na sana ako ng mapag-isip-isip ko na sweldo ko pala ang tinutukoy niya. Tatanggihan ko ba yun? Medyo nangati nga bigla ang palad ko nung iaabot na sa akin yun pera. Sabi ko sa sarili ko, "Yehey! Iinggitin ko si Jamie pagdating ko..

Pa'no nga ba ang term nila dun? Abot-tenga ang ngiti? Ganun yata yung itsura ko nun kumatok ako sa bahay. Si Jamie ang nagbukas ng pinto na pupunga-pungas pa. Ang lekat nagta-trabaho ako tapos siya eh patulog-tulog lang. Buti na lang pinaghanda ako ng pagkain. Kundi, mag-aalburoto na naman ang lola mo. Hmmp! Basta, masaya ako ngayon kasi sa wakas, me trabaho na ako. Kahit medyo iba sa linya ng tinapos ko. Dun naman talaga nag-uumpisa. Temporary lang naman kaya tiis muna ako ng konti. Bukas, umpisa na naman ng bagong linggo ng pakikipagsapalaran!

1 comment:

Mommy Liz said...

nakaka eksayt naman ang blog mo..kadatungan..talagang ganon, ang pinaghirapan, ang sarap hawakan..unang sweldo ko dito sa tate, itinago ko ang paystub ko for so many years. marami pang susunod na sweldo sau...sa susunod, libre mo ko.