Custom Search

Monday, 12 May 2008

Maswerte pala ako!

Parang ang tagal ko yatang naglinis kanina. O mejo lumilipad lang ang isip ko. Ewan ko ba kung bakit binantayan yata ako ng amo ko kanina. Alas onse pa lang naman. Ang tapos naman ng work ko eh 12:30. Binilisan ko na nga eh, kaya lang sadyang mahirap magpalit ng quilt cover. Double size ung quilt tapos mag-isa at payatot pa ako hehe. Kinabahan nga ako eh, akala ko pagagalitan ako. Buti na lang hindi. Natapos ako alas-onse y media. Siguro sadyang minamadali ako para mas maili ang oras ng trabaho ko. Maaari! Kung ako nga naman ang amo eh ganun ang gagawin ko. Pero dahil sa hindi ako ang amo, manigas ako! Lol. Follow the rules eka nga. Kaya lang don't expect a quality work kung bawat kilos mo eh mamadaliin ka. Hindi dapat ganun. Ano ako? Si Lastikman? Di bale ayos lang. Tamang-tama, balak ko sumama kila Jamie papunta sa Flat ni Dad. Uuwi na kasi siya. Medyo marami siyang kailangan asikasuhin sa flat niya. Palagay ko ba yung mga kalat at pinagkanan eh tinubuan na ng mga molds. Hehe Madalas kasi ganun dun eh. Kaya nakaupo lang ako sa isang lugar. Alam mo na, baka me masagi akong hindi kaiga-igaya.

Nakaidlip pala ako sa sasakyan. Nakakahilo! Ilang araw na kasi akong duty at kelangan maagang gumising. Talagang kelangan ko na ng day-off. Namimiss ko nang Humindarapat at gumising ng tanghali. Yung bang tipong kain-tulog lang tapos blogging lang gagawin mo hehe.. Adik talaga noh? Isang araw na lang naman at off ko na. Yehey!

Nakarating din kami sa wakas. Baba kami agad ni Jamie. Kasi malayo pa lang nasilip ko na agad yung 70% OFF dun sa isang window. Naku gusto ko nang tumalon sa sasakyan para marating yung shop. Pagdating namin dun pili ako agad ng gusto kong bilhin. Aba mura nga. Biruin mo from 15 Pounds mabibili mo ng 3.99 Pounds. Sale! Sale! Sale! Lipat kami after namin makapili ng 2 sapatos. Hanap ng mga bargain. Ilang sandali pa hindi na mahawakan ni Jamie ang mga shopping bag na dala namin. Puro gamit ko lang naman ang laman. Hahaha! Sabi ko kay Jamie, Iti-treat ko sila ng meal. Kaya punta kami sa pinakamalapit na Take-Away Shop.

Papasok pa lang kami sa flat ni dad, alam kong meron siyang bisita. At tama ang aking hinala. Nandun yung kapit-bahay ni Dad. Yun nung minsan nakita ko eh natakot ako. Kasi ang laki ng katawan at tigasin ang mukha. Pero this time, lasing siya. At mukhang nagdadrama. Nung una di ko pinapansin. Tuloy lang ako sa kain ko ng Chicken Burger. Aba, kanina pa kumakalam ang sikmura ko, uunahin ko pa bang pakinggan siya. Isa pa, medyo dumudugo na ang utak ko sa pag-aabsorb ng english. Pero kalagitnaan ng kwento niya, medyo na-touch ako. Masyado ang galit nia sa Diyos. Kasi nga parang tinatanong niya, nasan ang Diyos nung panahon na kailangan sia ng pamilya nia. Namatay ang parents niya kasama ang kapatid at iba pang kamag-anak sa isang car accident. Nakakaawa. Unang tingin ko pa lang pagpasok ko alam kong depress na yung mama. Tapos may halong inggit siya na sinabi kay Dad, "Maswerte ka, kasi may anak ka na nag-aala sayo." Dahil sa likas na tsismosa ang lola mo eh tinanong ko siyempre kung nasan ang asawa niya at bakit pinababayaan na maglasing ng ganito kalasing. Sabi ng asawa kong isa ring tsismoso eh hindi daw nia asawa yun. Kalive-in lang daw. Kumibit-balikat na lang ako. Maya-maya pa nag-cr muna yung senglot na mama. Sabay sabi na dapat daw talaga wala siya dun kasi nga me bisita si Dad tapos ayun siya lasing at nagdadrama. Okay lang sabi namin kasi paalis na rin naman kami. Pagbalik na pagbalik nia sa upuan, nagkwento na naman. Biktima rin pala siya ng isang bading. Bata pa lang daw siya nun. Kung ano ang ibig kong sabihin eh alam nio na yun. Kaya hindi mo masisisi ang pobre kung bakit ganun na lang kapait ang sintimyento niya. Naisip ko tuloy, kagabi lang sinasabi ko LIFE SUCKS! Dapat pala maging masaya pa ako kasi mas ok ang buhay at pinagdaanan ko kumpara sa kanya. Alin, yung mamatayan ka ng mahal limang mo sa buhay? Di biro yun ah .. Isa nga lang napakasakit, lima pa kaya at sabay-sabay pa. Nakakapanghina...Nung mag-umpisa nang maiba ang topic, nag-aya na si Jamie. Eh kasi panay na ang puri ng mama sa akin. Mukhang ang asawa ko eh tinatablan na ng selos. Dangan kasi eh hinimas pa yung ulo sabay paulit-ulit pa na sinabi na "You're lovely. You're skin is perfect and your eyes are dazzling and sparkling."Kaya bago pa pumutok ang namumuong inis ni Jamie eh lumakad na kami. I feel sorry for him sa nangyari sa buhay niya pero tingin ko lang, sa kabila ng tigasin niyang katauhan eh meron siyang soft side na natatago. At base sa nakita ko sa kanya yung isang parte ng pagkatao niya na weak eh lumabas na. Nagkamali ako sa unang impression ko. Sana lang maintindihan niya lalo yung purpose ng mga pangyayari sa buhay niya. Kaya masasabi ko, mas maswerte pala talaga ako.

No comments: