Kailan ba ang una at huli kong bisita sa blog na 'to. Ni hindi ko na nasundan yung unang post na ginawa ko. Dala siguro ng depresyon dahil sa kawalan ng trabaho, medyo madrama ang entrada ng lola mo. Pero ngayon, mas iba ang aura ko. Dangan kasi MAY TRABAHO na ako. Aba, siyempre, proud ako. Kahit nga ba tagalinis ng banyo at tagalampaso ng sahig, ayos lang yun. Sabi nga nila "kahit tagahugas ng puwet ng iba, basta nasisilip yung pounds okay lang".
Noong una naiisip ko exaggerated naman yung iba kung bakit nasasabi yun. Pero ngayong nararanasan ko na, aba masasabi mo nga pala. Magkahalong saya at lungkot ang mararamdaman mo kapag ikaw eh nagtatrabaho. Sa klase ng trabaho ko, marami ang pagtatawanan ako. Umalis nga naman ako sa Pinas na tapos ng Accountancy tapos ang trabaho ko pagdating dito at isang hamak na tagalinis. Sabi ko na lang, "E mano ba? May pera naman ako!" Lol.
Sa totoo lang hindi dapat ganun ang maging dahilan. Pero sa hirap ng buhay sa Pinas, kahit siguro ibala ka sa kanyon sa Iraq o tagabilang ng basyo sa Afghanistan tatanggapin mo mabuhay mo lang ang pamilya mo. Ngayon ko naiisip hindi madali ang buhay. Kung yung mga kagaya ko na meron natapos nahihirapan paano na yung mga mas pobre pa sa akin?
Custom Search
Thursday, 8 May 2008
Sa wakas!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment