Custom Search

Friday 30 May 2008

Chatter Box

I had to prepare early today for my duty. Hmmm.. Ini-expect ko na na maraming akong gagawin sa araw na to. At nasabi ko rin yun kay Jamie. Pero medyo nalula ako sa dami ng nilinis kong kuwarto. Or should I say, Lahat ng kuwarto nilinis ko. Ang problema, yung ibang guests na umokupa ng rooms nakakapagpakulo ng dugo. Hindi siguro nalalaman ng mga taong ito kung ano ang ginagawa ng mga chamber maid na kagaya ko. Pambihira! Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin hehe... Ano ba ang meron sa araw na to at mukhang nung magsabog ng swerte si Lord eh nasapo ko yung pagiging swerte sa sa dami ng lilinisin. Imagine, yung isang kuarto kung na lang sinadyang isabog ang buhangin sa buong kuarto. Grabe talaga. Nag-start ako maglinis 8:30 at 1:45 na ako ng hapon nagtapos. Sus! kinailangan ko pang ihoover ng dalawang beses yun kuarto na yun para lang malinis ko ng mabuti. Yung isang kuart naman mukhang galante. Meron isang bottle ng wine at 5 pounds na nakalagay sa mesa. Malay ko kung kanino yun, eh di sinoli ko sa may-ari all though alam ko naman na tip talaga yun. Kaso hinihintay ko nga sana na ibigay sa akin nun may-ari kaso hindi ibinigay. Sayang! Pera na naging bato pa! At eto na nga, bumalik na ako sa kuwarto na yun para ituloy ang paglilinis. Sa wari ko baý bayad yun sa maglilinis dahil me plema para sa shower room at sa sink! Anak ng tokwa naman!Pag minamalas ka nga naman.. Diretso linis. Maya-maya pa talagang pagod at tuyo na ang lalamunan ko sa paglilinis. At katulad ng mga nakaraang araw super madali ako sa pagtapos ng trabaho.

Salamat na lang natapos ko na. Pero isipin ko pa lang na babalik ako ng alas siete ng gabi eh napapagod na ako. Iniisip ko tuloy sana walang customer! Eh pano naman kasi nung nakaraang linggo, napakaraming customer. Nalito lito ako at wari ko ba eh pag nagserve ako eh matatapos or madadapa ako. Bakit naman kasi ipinapainit pa yun plato eh. Mainit na nman yun pagkain .. Salamat na lang at hindi ganun kabisi ang hotel. Umpisahan at ihinto ko yun trabaho kanina. Pano mag-start ako magplantsa mamaya-maya nagbago na naman un isip ng may-ari. Nahihilo tuloy ako sa kanya. Ok pa naman sanang mamalantsa hehe.. Mejo madali lang kasi puro punda lang ang nakatoka sa akin at si Jeanette ang nagpaplantsa ng mga quilts. Weee! Kasalanan yun nung mga bagong dating kasi dahil sa kanila eh inihinto namin ang pamamalantsa. Abala noh?!

Chat! Chat! Chat! In between serving and preparing foods eh nagchichikahan kaming tatlo ni Jeanette and Kath. Mejo ayos nman ang buong araw ko dahil himala yatang hindi stress yung matanda. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh magiliw at nakikipagkwentuhan siya sa akin. Pero Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw eh ako lang ang nagttrabaho ng mabibigat na trabaho. Hmmmm.... Siguro ayaw ng iba ang paglilinis kaya tuloy ako ang pinagttyagaan nia. Natatandaan ko nga sabi niya sa asawa niya wag daw ako i-upset. Hehe Kasi nga naman pag nagback out ako eh wala na silang maganda at masipag na worker. ( ooopsss! sori ayaw ko magbuhat ng bangko!). Marami rin kaming napagkwentuhan at paminsan-minsan natutuwa ako sa mag-ina kasi mukhang napaka-close nila. Panay ang biruan nila. Naalala ko tuloy si nanay kasi minsan madalas kami mag-away nun. Pero love ko yun siempre, talaga lang suplada ako lalo na pag nakukulitan ako.. :p Bugnutin kasi ako! Isa pa theres no way na ikumpara ko kami ni nanay sa mag-ina sa harapan ko kasi sila mejo maluwag sa buhay eh kami nun, bata pa lang iniiwan na kami ni nanay para kumayod ng pangtawid gutom sa mga susunod na araw. Kaya yun siguro ang dahilan ng mejo malayo kong loob sa kanila. Nasanay ako na mag-isa at malayo sa kanila. Pero sa totoo lang, nakatulong yun. Kasi kung hidni nila ako sinanay, hindi malakas ang loob ko at matapang na pupunta at makikipagsapalaran sa ibang bansa. Kita mo nga ngayon, pa-english english na lang ako hehehe.. hmmp! Pag-uwi panigurado hindi na matigas ang dila ko sa pag-eenglish...




Read More......

Wednesday 28 May 2008

Day Off!

Sa sobrang pagod ko sa mga nakaraang araw, tinanghali ako ng gising. Buti na lang day-off ko ngayon. Ano nga ba ang pwede kong magawa? Kanina lang kausap ko yung kaibigan ko na nasa Pinas. Si Jasmin. Matagal-tagal din kaming hindi nakapagchikahan nito. Dangan kasi palaging busy sa work niya. Naitanong ko tuloy sa kanya bago matapos ang tsikahan namin kung kelan ang kasal. Naiinip na kasi kami kung kelan niya balak lumagay sa magulo. Hehehe.. Mas nauna pa siyang magplano kesa sa amin ni lou pero nauna pa kaming makasal. Pambihira itong si Jas oo. Kelan kaya matutuloy ang plano nila? Bilang pagwawakas ng aming kumustahan, minabuti kong sabihin na balitaan ako kung kelan matutuloy ang kasal. Meron na kasing date dati eh, Yung nga lang di sinai kung anong year??!!! wahehehe Malay ko bang unidentified pa yun. :p

Panay ang browse ko sa internet kung ano ang pwedeng maipangregalo kay Jamie. Mag-3 months na kasi kaming kasal at dumating na ang surprise nia sa akin. Ano pa kundi SKECHERS. Palagi akong nireregaluhan nito ng sapatos. Minsan naiisip ko mukha ba akong paa?? ( Joke) Sabi nila kapag daw noong bata ka eh hindi mo nararanasan magkaroon ng bagong sapatos o bagong damit, ang tendency pag nagkaroon ka na ng pera , puro yun ang bibilhin mo. Palagay ko mekatotohanan ang bagay na to. Kasi natatandaan ko noong bata pa ako, lagi ako binibilhan ni nanay ng sapatos na bagama't bago eh bago matapos ang isang buwan nakangiti na ito dulot ng pagkabasa o palagiang paggamit dito. Ang kasunod na bibilhin ni nanay eh isang bote ng rugby para maibalik ito sa pagkakadikit. Natatandaan ko pa nung minsang humiram si nanay ng sapatos sa kanyang kumare at nakita ng may-ari na suot ko ito, halos ikahiya ko ng sabihin niyang sapatos niya yun. Mula nun, tumatak sa isip ko na paglaki ko at nagkapera ako, bibili ako ng sapatos na mas mahal pa sa sapatos niya. Ano bang ipinagpuputok ng butse niya eh yung sapatos naman niya eh hindi na kasya sa kanya at luma na? Minsan naisip ko, sadyang may mga taong masasama ang ugali at maramot sa kapwa.

Bago ako umalis ng Pinas noong nakaraang taon, ipinamigay ko ang mga sapatos na alam ko naman hindi ko madadala. Ilan dito ay mga bago pa at binili ko na gawa sa balat at sa mahal na halaga. maging ang iba kong damit at bag at ipinamigay ko na rin. Alam ko naman kasi na pagdating ko rito ay hindi ako pababayaan ni Jamie na hindi magkaroon muli ng mga ganong bagay. At hindi nga ak nagkamali. Nang dumating ako dito, binilhan ako nga aking mother in law ng napakaraming damit at cardigans na magagamit ko sa panahon ng taglamig. Si Jamie nman binilhan ako ng ilang sapatos na gustong-gusto ko. Maging ang mga kapatid ni Jamie ay naging maaruga sa akin. Kaya tama un kasabihan, pag merong nawala , mas maraming bumabalik. Sa simpleng pamimigay ng mga gamit ko mula sa Pinas, napalitan naman ito with matching di mo maipagpapalit ng kapamilya. O di ba?





Type rest of the post here

Read More......

Monday 26 May 2008

Hectic Schedule daw

Ilang araw din akong nagpahinga sa pagba-blogging. Aba, hectic daw ang schedule ko. Tulad ng nabanggit ko sa isa kong blog (Life Away From Home), tuloy-tuloy ang schedule ko mula noong thursday. Ang hirap pala pag diretso ang trabaho mo. Wala ako halos pahinga. At mantakin mo, pag natulog ako parang naidlip lang ako. Tapos gising na naman ng maaga. Minsan pa, two times a day ang schedule na ibinibigay sa akin. Walang problema kasi mas malaki ang magiging sahod ko. Pero hindi pala ganun kadali lang ang pagtatrabaho. Ubos na ubos ang adrenalin ko sa pagtapos ng paglilinis. Puspusan kasi merong time pressure. Tsk Tsk! Halos madapa ako pag naglilinis ako. Para akong ipo-ipo pero minsan pag sobrang na-pressure ko yung lakas ko sa paglilinis nahihilo ako. Di ko naman siyempre masabi na magpapahinga muna ako kasi oras ang binabayaran sa akin.Kaya ang pinakamabuti kong gawin eh bilisan ang trabaho. Hindi rin pwede na magbagal kasi ichecheck nang may-ari kung ano na ang natapos ko. Ayoko naman siyempre na meron silang masabing hindi maganda sa akin no. Kasiraan sa pinoy yun hehehe... Kailangan ma-maintain ko yun image ng pinoy eh masipag at profesional hehe... Ang taray no!

Unang araw kong mag-duty sa gabi. Bago mag 7:00 Pm eh nandun na ako sa Hotel. Nadatnan ko yung apo ng may-ari at yung anak niya. Nakakatuwa sila. First time ko makita un may-ari na tumatawa at hindi serious. Imagine, mula nung mag-umpisa ako dun eh palaging straight at serious ang mukha nun pag nag-uutos sa akin. Pero not this time. Medyo nakikipagbiruan siya sa amin. Hindi nman kasi gaanong busy yung gabi na yun kaya nakuha ko pang makipagchikahan sa anak niya. More or less smooth yun unang gabi ng pagwe-waitress ko. Sana ganito lagi.

Second night ng pagwa-waitress ko medyo na-pressure ako. Apat kaming katulong ng may-ari sa kusina. Siyempre pa, wala akong gagawin kundi mag-serve at kumuha ng order. Minsan naman maglinis ng table para sa mga susunod na kakain or iinom . Naku natorete ako. Isipin mo na lang un 25 na Briton nagsasalita ng sabay-sabay with different accent and sland nakupo! Akala ko hihimatyin ako sa gitna ng Dining Area. Pakiramdam ko nangapal yung mukha ko at pulang-pula ako dahil sa hiya. Pano kasi, medyo ninerbyos ako tapos nanginginig ako pag nagserve. Eh pano kung naitapon ko yung order? Patay ako sa amo ko! hehe Yung sinasabi ng iba hindi ko alam. Tinatawag ko un kasama ko para sia ang kumuha ng order. Bakit naman kasi inilagay ako sa pagwwaiter eh meron ngang language barrier no? Grabe talaga! Pakiramdam ko nagbuhol-buhol yung utak ko sa pagttranslate ng mga salita. Wahaha! Pag naman wala pang order panay naman ang tawag sa akin ng amo ko at tingnan ko raw kng tapos nang kumain ung mga nasa table. Eh siyempre., kung ako ang customer ayoko mapressure sa pagkain. Kung panay ang aligid ko at tanong kung tapos na sila. Pambihira! Baka iwanan ko yung resto kung ganun sila. Pero dito iba. Kailangan masanay ako sa ganun. Isa pa feeling ko ba eh para na akong clown. Naka-fix yung ngiti ko sa mga customer. Panay naman ang hingi ko ng paumanhin sa ibang customer at sinasabi ko na tine-train pa lang ako at di ko pa kabisado. Okay nman sila. Mababait naman kasi ang mga Briton. Kaiba sa mga naririnig ko. Pero meron sigurong iba na talagang medyo merong kasungitan.

"You've done really well so far..."Yan yung sinabi ng isang customer. Crush cguro ako nun hehe.. Panay kasi ang tingin .. O siguro inaadmire lang yung kulay ko. Iba talaga ang karisma ng lola mo. Balik ako sa kusina after ko magserve at maglinis. Yung isang kasama ko panay ang turo sa akin pero ang bilis ng salita. okay na lang ako ng okay. Minsan yun kumpas na lang ng kamay ang sinusundan ko. Cutlery ang tawag sa mga vinegar at ibang gma sauce na kalagay sa basket. Malay ko bang yun pala yun. Kelangan gumana talaga ang utak ko dito or else magmumukha akong boba. Ang bilis ng mga pangyayari. Nung icheck ko ang relo ko alas nuwebe na pala. Nakita ko si Tasha. Napansin ko mula nung dumating ng 7PM eh nakababad na ang kamay kakahugas ng pinggan. Pag naman tutulungan ko na, tatawagin na naman ako ng manager at nung isang kasama ko para icheck un dining area. Anak ng tokwa oo.. Lukot-lukot na yun daliri nun isang worker kakahugas ng pinggan dala ng pagkababad sa tubig. Kaya nung tingin ko hindi na ako gaanong kailangan sa pagseserve, humalili ako sa paghuhugas ng plato. Kawawa naman. Ganda pa naman ng ayos eh. Nag-eyeliner pa naman ng makapal at gumamit ng mascara tapos 3 hours palang maghuhugas ng plato. Meron pang hikaw sa pusod yun ha. Nahiya nga ako ng konti eh, parang ako lang ang walang hikaw sa pusod hahaha... Tapos pag nagsalita yun manager, sumasagot ang mga loka. Buti na lang mabait ako at hindi ako ganun. Manager yung kausap ha, pag sinigawan sila or pinansin, lumalaban sila. Kakaiba! Sabi ko sa sarili ko, kung anak ko to, dumugo na ang nguso. Pero lahat yata ng kabataan dito ganun. Nung mag-ten PM na, umuwi na kami. Sinabayan ako ni Kirsty pauwi. Tapos nagsintimyento ng konti hehe. Naintindihan naman niya ako, wag lang pagtalikod ko eh iba ang sinabi. Lol

7:00 am today, gising na ako. Ayoko pang bumangon pero inisip ko na lang bukas pahinga ko. Kailangan matapos ko yung araw na to ng maayos. Pagpasok ko, tulad ng dati diretso ako sa paglilinis although merong ilan na kumakain. Naglinis din ako ng mga mesa at nagserve ng food pero nung naglilinis ako natapos yun natirang kape sa blouse ko.Hayaan mo na nga, tutal maglilinis din naman ako marurumihan din to. Kaya naman nung dumating yung isang kasama ko tinulungan ko na maglinis ng mga kuwarto. Bago lang sia kaya medyo mabagal. Sabi ko sa kanya take time para makagawa siya ng strategy niya kung papano mapapadali ang paglilinis niya kasi hindi sa lahat ng oras eh meron siyang kasama sa paglilinis. Gaya ko, nung nag-umpisa ako palagi akong mag-isa. Maswerte nga sia eh kasi meron siyana katulong nun nag-start siya. Ni-remind ko na lang siya sa mga dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Pagkauwi ko parang sabik na sabik ako sa kama haha.. Kasi pwede na akong matulog ng hindi nagwoworry na male-late sa work. Hmmm sarap talagang matulog lalo na kapag pagod na pagod! After 2-3 hours, nagring ang phone. Sabi ko sa sarili ko "I hope its not Cath". Chineck ni Jamie kung sino ang tumawag. And guess what? Its Cath! Waaaaaa!! Kelangan ko mag-duty tomorrow. Pambihira naman, sinabik lang pala ako sa day-off ko. Yun pala duduty din pala ako.

O siya, eh di duty kung duty. I need sleeping tablet para makatulog nang maaga ngayon kundi siguradong lumilipad na naman ang utak ko bukas. Ciao!



Type rest of the post here

Read More......

Sunday 18 May 2008

Bubong sa Parumog!


Ang bilis ng panahon. 10 years ago nang una akong mapadpad sa syudad. Laking probinsiya ako mula sa bayan ng Castaneda. Noong una, natatakot akong mapunta sa syudad. Kasi nga iba ang mga tao dito kumpara sa nakalakhan ko na simple lamang ang pamumuhay. Hanggang sa makatapos ako ng hayskul at magpasyang mag-enrol sa Cabanatuan.

Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa akin sa Cabanatuan?

Nag-enrol ako sa College taong 1998. Dahil sa Cabanatuan nag-aaral ang mga nakatatanda kong kapatid, nagpasya ang aking mga magulang na doon na rin ako papag-aralin para kapag dadalawin kami ng parents namin eh isa na lang ang pupuntahan. Isa pa, mas gusto nila na sama-sama kami para kapag merong problema kami na ang magtutulungan. Tutal nandun ang panganay namin, anytime na magkaaberya ayun lang ang opisina.

Parumog St. dito kami tumirang magkakapatid mula college hanggang sa makatapos kami. Ano nga ba ang espesyal sa lugar na ito? Ahhh... marami! Bukod sa ito ang naging una kong tahanan. Dito ako natuto ng lahat sa buhay. Natutong magind independent, makisama, mga gawaing-bahay, makipagkapwa-tao at marami pang iba. Masasabi kong hindi lang sa akin naging importante ang lugar na ito kundi maging sa akin mga kaibigan at mga kaibigan ng mga kuya ko.

Akala ko noon pag nag-college ako magiging mas seryoso ako sa pag-aaral ko. Akala ko katapusan na ng maliligayang araw ng pakikipagkaibigan. Alam mo na? Sabi kasi ng titser ko noon ang pinakamasayang stage daw sa buhay ng tao ay ang hayskul. Kasi dito daw mararanasan ang lahat ng UNA. Pero sa tingin ko, wala ng mas sasaya sa buhay-col
lege ko.

Bakit nga ba? Dito ko kasi nakilala ang mga kaibigan ko na magpahanggang ngayon ay nakakausap ko. Sinong makakapagsabi na tatagal kami ng ganito katagal? Nung un
a kaming magkakitaan, First year college ako noon. Takot akong makipag-usap sa kanila kasi baka pagtawanan nila ako. Bukod sa ikinahihiya ko ang kutis-magsasaka ko eh hindi kagandahan ang mga damit ko. Pero hindi naging hadlang yun para magkakila-kilala kami.

Si Ria, Imelda,Luz,Allyn,Tina,Jean,Estee at ako. Magkakaklase kami nun sa Kursong Komersiya. At sa pagtakbo ng panahon kahit na magkakaiba kami ng hilig at tipo sa lahat ng bagay, naging close friends kaming walo. Hanggang sa napagdesisyunan ko na magshift ng Accountancy, nakiayon sila sa desisyon ng ilan sa amin. Walo kaming nagshift ng kurso! Natatandaan ko pa nga eh nagulat si sir Bobadilla, sir Marzan, mam Manubay at yung registrar namin dahil nagsusumiksik kami sa Accountancy.

"Aba mga hija, mag-isip isip kayo dahil ang mga Accountancy nga eh nagshi-shift sa Commerce kayo naman magshi-shift sa Accountancy? Nilalagnat ba kayo? Mahirap ang Accountancy.. Pag-isipan niyo muna... "

Pero mapilit kami. Walo kaming nagsabi na "Opo, gusto po namin mag-shift"at sabay kuha ng pare-parehas na schedule.

Ganun kami parati. Kapag parating na ang pagtatapos ng Sem, naka-schedule na kaagad kung kelan kami sabay-sabay na mag-eenroll para makuha namin un parehas na schedule at tuloy hindi kami magkahiwa-hiwalay. Nakakatuwang balikan pero naisip k
o ngayon, ganun pala namin inaalala ang isa't-isa. Iilan lamang ang makikilala nating mga totoong kaibigan. At sabi nila, kapag nahanap mo yun, isa ka sa pinakamaswerteng pinagpala na magkaroon. Meron kasing iba na pinipili na lang ang mapag-isa or karaniwan na inilalayo ang sarili sa iba. Hindi kami yun! Magkakasama kami kahit sa anumang laban. Minsan nga nag-aaway away kami eh . Siyempre kampihan pero hindi namin pinalalagpas ang araw na hindi nareresolba ang problema. Naroong magkulong kami sa isang bakanteng room at dun kami magoopen-forum at mag-iiyakan. Pagkatapos nun ayos na kami. Balik sa normal na gawi.

Second year college yata kami nung turuan ko silang uminom. Nakakatuwa, kasi nga mga lalaki ang kuya ko, minsang umuwi ako ng late dahil sa swimming namin sa Villariza, sta. rosa.
Nadatnan ko yun panganay namin na umiinom kasama yung kaibigan niya. Nakasalampak sa papag habang naghahalo ng Lime Juice at yun Gin. Nakalimutan ko na kung anong brand nun. At pagtapos nung maturuan ako, eh ung mga kaibigan ko naman ang tinuruan ko. Meron pa ngang Lambanog nun eh. Paborito namin eh yung bubble gum flavor.

Dun sa bubong sa Parumog, dun kami madalas tumambay. Pag nalasing kadalasan tum
atawag ng uwak ( Nagsusuka ) or minsan pag nagkalasingan naroong nag-iiyakan dala ng mga problema sa pamilya at sa mga kasintahan nila. Nung una nga kaming malasing nun eh umiiyak si Jean at si Mhel. At ang nakakatawa dahil taob na ang mga bote ng alak eh nagco-contribution pa yung dalawa para bumili ng isa pang bote ng alak. Pambihira talaga tong dalawa na ito. At pagkatapos ng mahaba at nakalalasing na inuman session, isa ako sa taga-alalay sa kanila. Feeling superhero ako sa paglilinis ng mga kalat at pag-aalalay sa kanila. At ganun din naman sila siyempre sa akin. Lalo kay Ria at Estee na palagi nang present sa mga ganitong sitwasyon.

Minsan, nagkayayaan kaming mag-inuman. Present ang lahat kasi tuwing sasapit ang Christmas Vacation eh isa ang grupo namin sa nag-eexchange gift. O diba? Barbeque at Spaghetti ang handa namin. At sa Bubong sa Parumog, naka-ready ang mga unan at kumot panglaban sa hamog kapag kami ay inumaga. Eh present pa nga dun un isa nga mga gift na natanggap ko sa kanila nun eh. Yun Tweety bird na pillow. Ang kaso nun inuman session na, nagback out na silang lahat. Tatlo na lang kaming natira na animoý uhaw sa alak. Tatlong bote ng Lambanog at Bubbe Gum flavor pa man din ang pinagtig-i- tig-isahan namin nina Ria, Luz at ako. Aba natural wala pang isang oras naubos agad ang natitira naming katinuan. Haha.. At bilang pruweba, itong si Estee kinuhanan pa kami ng picture. Nakakahiya ang mga pose namin dun. Ayon kay Estee eh nakatago naman daw yun hanggang ngayon. Pero lagi namin sinasabi na "utang na loob Estee, wag mong ipakita sa iba at baka isipin mga Adik kami..."hehehe.. Nakakahiya talaga pero masaya naman. Kasalanan ni Allyn at Mhel kasi masakit daw ang tiyan at ano pa yun isa.? Si Jean naman hindi nakapag-paalam sa Daddy niya.

Magkakasama kami sa lahat ng bagay. Sa kopyahan sa exams, sa mga tour, mga project, inuman at sa mga get away lahat present. Ilang taon ang lumipas habang tumatagal, lalo kaming tumitibay. May ibang nasasaktan at nagagalit pero natututong magpatawad. Ganyan kami hinubog ng panahon sa aming samahan.

Lumipas pa ang ilang taon, Nakilala na namin si Jasmin. Transferee siya nun galing ng CLSU. At isa ang grupo namin sa naging kalapit niya. Paano kasi sa grupo namin makikita niya lahat ng ugali. Masayahin, madaldal at palaban. At siyempre hindi rin naman kami grupo ng mga bobo dahil kahit papano eh marunong naman kaming magreview. Yun nga lang sadya nga lang na hindi kami madamot pagdating sa kopyahan.

Graduation na! Isa ito sa pinakamalungkot na parte ng aming pagkakaibigan. Mamimiss
na namin yung araw-araw kaming magkakasama mula lunes hanggang sabado. Yung pagtambay sa tree house o sa steel house na kadalasan binibuhat namin bago matapos ang sem at inililipat sa ibang lugar. Mamimiss namin yung pag iilan lang kami sa klase, kakausapin namin yung aming Teacher at sasabihin bukas na lang ang discussion at pauwiin na kami para makalibot sa Mega Center or sa Pacific para lang magwindow shopping, mag-arcade, magvideo oke or minsan naman manood ng sine. Pag merong mga ka-eyeball, magkakasama rin kami. Naroong malito yun talagang me ka-eyeball dahil sinasadya namin na maghiwa-hiwalay or worst, ipinapain kami sa eyeball. ( si luz at ako ang tinutukoy ko ). Nangyari kasi minsan yun nung INTRAM. SI Jean pala eh may ka-radyo nun. At napagkasunduan nilang mag-eyeball. Kami ni Luz ang naipain. At habang takot na takot kami sa pagtakbo, nakatago at tawa ng tawa nman itong si Jean at si Janice. Kinabahan tuloy kami ni Luz dahil animoý nasa pelikula kami na hinahabol ng mga Goons. Lol! Minsan naman makipag eyeball itong si Allyn, nung makita na yung ka-eyeball, di namin mapigil tumawa. Kasi nga nasa harap kami ng Jolibee nun, pagtapos un ka-eyeball mga ilang metro lang ang layo sa amin at nakaupo sa tabi ng Fountain sa Megacenter. Itong pobre eh tumatawag na sa mobile ni Allyn para ipaalam na nandun na siya. Yung mobile ni Allyn nilapag nia sa mesa habang panay ang vibrate at nagtuturuan sila ni Luz kung sino ang sasagot. Hay buhay! Tawa kami ng tawa. Ano't ng matapos ang pakikipag-eyeball nasabi ni Luz "Amoy gatas siya ng kalabaw!". Ang taray ng lola mo.. Siyempre mga comedy moments yun na hinding hindi mo malilimutan. Meron pa ngang nangyari, nagpapicture kami sa studio. At nang makuha na namin ang picture, itong si Imelda nailaglag ang kopya niya sa tapat ng Technology Building. Nung dumating si yung kuya ko, nagulat pa ako ng sabihin sa akin, "Oy, kunin mo nga yun picture niyo dun sa Billboard sa Tech. Building. Nakapaskil dun! Bago pagkagukuhan.."Akala ko naman, pagkakaguluhan dahil magaganda kami, Malay ko bang meron nag-comment na mga mukha daw kaming bading. Hagalpakan kami sa katatawa. Hindi namin mapigil si Imelda kakatawa.

Nung unang magkaboyfriend si Ria, sa Tree House, dun namin siya sinamahan para sa unang date niya. Sinong mag-aakala na ako pa pala ang magiging tulay para makilala niya ang mapapangasawa niya?

Ngayon, magkakalayo na kami. Kadalasan, online na lang kami nakakapag-usap o di naman kaya sa tawag. Nakaka-miss sila! Kahit na ilang taon ang lumipas, siguro di namin makakalimutan ang isa't isa. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi gaya ng dati, isang text lang nandiyan na sila. O kaya tuwing alas sais nagriring na ang phone namin dahil si ria ay makikibalita. Kapag may lakad kami nandiyan si Luz or si Estee na sumusundo sa amin para sa pupuntahan namin. Si Jasmin na flexible employee. Magset ka ng date ng lakad at walang imposible. Ganun din si Allyn na always present! Si Tina na ngunit malalapit lang daw ang mga bahay namin kaya hindi siya makasama sa lakad. Si Imelda na mahilig sa swimming sa Neri's Resort. Or si Jean na palagi na lang nakakalimutan magpaalam sa Daddy niya. Hay kahit ganyan sila, namimiss ko pa rin sila. Wala kaming masamang tinapay sa isa't isa although minsan nagkakatampuhan talaga. Pero walang tatalo sa aming samahan. Si Jean nasa Abu Dhabi na ngayon. Si Allyn nasa Canada. Si Tina nasa Israel at plano nang magbakasyon. Ako nandito na rin sa UK kasama ng aking asawa. Si Luz meron narin asawa. Si Imelda, meron nang pangananay, si Jas stable na sa work at soon to get married, si estee still single pa rin and planning to work abroad at si Ria na masaya na rin sa buhay may-asawa. Iba-iba ang narating namin and proud ako sa bawat isa amin! Go girls! See you sa next vacation ko!





Read More......

Thursday 15 May 2008

Car Crash!

Busy?? Isang araw akong nag-absent sa aking online portal. Obvious ba? Pa'no kasi naisipan kong magkalutkot ng kung ano-ano. Linis to the max! Halos araw-araw kasi akong naglilinis sa hotel at na-realize ko na yung aming love nest ni Jamie eh hindi ko malinis ng ganun kapulido. Kaya nagrequest ako kaagad sa aking mahal na asawa na bumili ng Bathroom and kitchen cleaner at inumpisahan ang paglilinis. Hoover, Linis, Lampaso, laba, agiw at pati ang lahat ng kurtina nilabhan ko. Mag-aalas singko ng tumawag ang manager ng hotel para ipaalam sa akin na kailangan kong magreport kinabukasan. Nakakapagod! Mukhang marami pa akong gagawin at kelangan ko pang gumising ng maaga kinabukasan. Pero naisip ko, sayang din ang extra 3-4 hours ng work na madadagdag sa kita ko.

Inaantok pa ako ng tumunog ang alarm clock. Kusang sumasara ang kawawa kong mata dala ng kulang sa pahinga. Nagising na rin si Jamie para maghanda ng almusal ko at sinabi sa akin na maligo ako para magising ang diwa ko.

Gaya ng dati, inumpisahan ko na ang paglilinis. Kailangan kong makatapos ng maaga ngayon dahil ngayon din ang schedule ng pag-oopen ko ng Bank Account. Medyo malayo din ang pupuntahan namin at hindi gaya ng dati wala kaming service ngayon, kailangan namin maabutan ang 12:58 bus para makarating sa appointment ko at tuloy mamili ng aming groceries para sa susunod na linggo.

Nakatapos naman kami ng maaga sa lahat ng nakaschedule ng maghapon. Pauwi na kami ng bumulaga sa amin ang isang car accident! Aaminin ko na duwag ako pagdating sa mga vehicular accident. Hindi kasi natin alam kung mabubuhay o mamamatay ka once na minalas ka pagdating sa ganung bagay. At ayun nga, kitang-kita ko ang aksidente sa unahan namin. Meron kasing malaking sasakyan sa unahan namin. Yun bang ginagamit pang-araro sa bukid na may malalaking gulong. Siyempre napakabagal nun kumpara sa mga kotse na nakahanay sa likuran niya. Apat na sasakyan ang nakahilera sa likod. At kami ang pang-apat. Yung pangatlong sasakyan kumanan sa unang kantong nadaanan namin. At yun una at pangala nanatiling nakasunod sa malaking sasakyan. Di nagtagal, siguro nainip yun unang sasakyan sa takbo namin. Kasi nga nakadepende ang bilis ng takbo sa malaking sasakyan na sinusundan namin. Nagdesayd siyang mag-overtake na siya rin namang ginawa ng pangalawang sasakyan. Nagde-day dreaming pa ako nun kung anong bagay ang magandang i-blog sa araw na ito ngunit nakakagulat ang mga pangyayari. Basta nakita ko na lang na yung pangalawang sasakyan at kumabig ng mabilis sa kanan tapos isang malakas na BUMP! sabay talsik ng side mirror ng unang sasakyan. Para kaming nanonood ng action film. Yun bang Die Hard 4.0. Ganun, ganun ang pakiramdam. Medyo gumewang pa ako ng konti na para bang ako ang driver at bida sa nakikita kong palabas. Naku nakakagulat talaga. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan. Sabi ko sa isip isip ko kasalanan nun pangalawang sasakyan. Pero naisip ko rin hindi siguro nag-indicate yung unang sasakyan na mag-oovertake siya, sahilan kung bakit nagsiksikan sila na makauna sa malaking sasakyan.

Tuloy-tuloy na humarurot ang dalawang sasakyan at saka huminto sa Gasolinahan. Mukhang argumentong umaatikabo. Kasi bumaba ang matabang babae na may ari nung pangalawang sasakyan pagkatapos mag-asawa naman dun sa unang sasakyan. Sana nagkasundo ang dalawang panig. Buti na lang walang nasaktan. Kung hindi isang masamang panaginip. Baka hindi ako makatulog. Yan kasi, dapat pinag-aaralan ang lahat ng mga rules pagdating sa pagmamaneho. Sa bawat kabig ng manibela alam natin na buhay ang kapalit. Sabi nga nila iisa lang daw ang buhay kaya mahalin ito. Iwasan ang magmaneho ng inaantok, nakainom/nag-drugs or sumagot ng tawag pag nagda-drive. Yan ang ilan sa mga karaniwang sanhi kung bakit may mga vehicular accident. Kaya kailangan siguro natin malaman ang meaning ng salitang, ÏNGAT".


Read More......

Tuesday 13 May 2008

Pambihirang Araw!

Medyo maaga-aga ako nakarating sa hotel ngayong araw. At tulad ng utos sa akin, kailangang merong kusang-palo. Ni hindi pa ako nakakatatlong hinga pagdating ko, eh nag-umpisa na akong maglinis. Sigurado ineexpect nila na mabilis lang ang trabaho ko ngayon. Naisip ko, hindi ko kailangan linisin lahat kung hindi naman kailangan para maiwasan ang pagtagal ng trabaho ko. Parang tsunami ako sa bilis ng paglilinis ko. Hindi ko na rin alintana kung nasusugatan ang kamay ko. Ang nasa isip ko matapos ko ang trabaho kasi nga eh inoorasan ako.

Pamaya-maya pa, nakatapos na ako ng dalawang kuarto. Akyat-baba ako sa hagdan buhat-buhat ang napakabigat na hoover. Pero bago pa magkomento ang amo ko, nagawa ko na lahat ng gusto niyang gawin ko. Sana naimpress ang matanda. Ako naman ay walang reklamo basta kung ano ang inutos yun ang gagawin ko.

Nasa huling kuarto na ako ng mapansin ko itong toilet sa room 2. Anak ng tokwa, me sawa sa toilet bowl. Akala ko namamalikmata ako. Isang pindot lang naman saya kusa nang lulubog yun hindi pa nagawa. Hay buhay! Eh ano pang magagawa ko, ako na ang nandun kaya ako na ang gagawa. Inutusan ako na buhatin un ibang furnitures para pati un mga natatakpan ng furnitures eh ma-hoover ko. Na siya ko namang ginawa. Natapos ko ng maayos ang trabaho at wala naman akong narinig na side-comment sa araw na ito.

Nagulat si Jamie sa pagdating ko ng maaga. Iniisip niya kasi mas late ako makakauwi sa araw na ito. Naisip ko, mukhang mas konti ang kita ko sa linggong ito. ang dami naming babayaran at nasa pinakamasalimuot na linggo kami na kung saan ang bills ay nagsisiksikan. Hay pano na ito? Sa sabado pa ulit ang araw ng pasok ko. Sana overtime para makabawi or else hindi magkakasya ang budget namin for this week. Sana summer na para mas matagal ang oras ko hehe

Read More......

Monday 12 May 2008

Maswerte pala ako!

Parang ang tagal ko yatang naglinis kanina. O mejo lumilipad lang ang isip ko. Ewan ko ba kung bakit binantayan yata ako ng amo ko kanina. Alas onse pa lang naman. Ang tapos naman ng work ko eh 12:30. Binilisan ko na nga eh, kaya lang sadyang mahirap magpalit ng quilt cover. Double size ung quilt tapos mag-isa at payatot pa ako hehe. Kinabahan nga ako eh, akala ko pagagalitan ako. Buti na lang hindi. Natapos ako alas-onse y media. Siguro sadyang minamadali ako para mas maili ang oras ng trabaho ko. Maaari! Kung ako nga naman ang amo eh ganun ang gagawin ko. Pero dahil sa hindi ako ang amo, manigas ako! Lol. Follow the rules eka nga. Kaya lang don't expect a quality work kung bawat kilos mo eh mamadaliin ka. Hindi dapat ganun. Ano ako? Si Lastikman? Di bale ayos lang. Tamang-tama, balak ko sumama kila Jamie papunta sa Flat ni Dad. Uuwi na kasi siya. Medyo marami siyang kailangan asikasuhin sa flat niya. Palagay ko ba yung mga kalat at pinagkanan eh tinubuan na ng mga molds. Hehe Madalas kasi ganun dun eh. Kaya nakaupo lang ako sa isang lugar. Alam mo na, baka me masagi akong hindi kaiga-igaya.

Nakaidlip pala ako sa sasakyan. Nakakahilo! Ilang araw na kasi akong duty at kelangan maagang gumising. Talagang kelangan ko na ng day-off. Namimiss ko nang Humindarapat at gumising ng tanghali. Yung bang tipong kain-tulog lang tapos blogging lang gagawin mo hehe.. Adik talaga noh? Isang araw na lang naman at off ko na. Yehey!

Nakarating din kami sa wakas. Baba kami agad ni Jamie. Kasi malayo pa lang nasilip ko na agad yung 70% OFF dun sa isang window. Naku gusto ko nang tumalon sa sasakyan para marating yung shop. Pagdating namin dun pili ako agad ng gusto kong bilhin. Aba mura nga. Biruin mo from 15 Pounds mabibili mo ng 3.99 Pounds. Sale! Sale! Sale! Lipat kami after namin makapili ng 2 sapatos. Hanap ng mga bargain. Ilang sandali pa hindi na mahawakan ni Jamie ang mga shopping bag na dala namin. Puro gamit ko lang naman ang laman. Hahaha! Sabi ko kay Jamie, Iti-treat ko sila ng meal. Kaya punta kami sa pinakamalapit na Take-Away Shop.

Papasok pa lang kami sa flat ni dad, alam kong meron siyang bisita. At tama ang aking hinala. Nandun yung kapit-bahay ni Dad. Yun nung minsan nakita ko eh natakot ako. Kasi ang laki ng katawan at tigasin ang mukha. Pero this time, lasing siya. At mukhang nagdadrama. Nung una di ko pinapansin. Tuloy lang ako sa kain ko ng Chicken Burger. Aba, kanina pa kumakalam ang sikmura ko, uunahin ko pa bang pakinggan siya. Isa pa, medyo dumudugo na ang utak ko sa pag-aabsorb ng english. Pero kalagitnaan ng kwento niya, medyo na-touch ako. Masyado ang galit nia sa Diyos. Kasi nga parang tinatanong niya, nasan ang Diyos nung panahon na kailangan sia ng pamilya nia. Namatay ang parents niya kasama ang kapatid at iba pang kamag-anak sa isang car accident. Nakakaawa. Unang tingin ko pa lang pagpasok ko alam kong depress na yung mama. Tapos may halong inggit siya na sinabi kay Dad, "Maswerte ka, kasi may anak ka na nag-aala sayo." Dahil sa likas na tsismosa ang lola mo eh tinanong ko siyempre kung nasan ang asawa niya at bakit pinababayaan na maglasing ng ganito kalasing. Sabi ng asawa kong isa ring tsismoso eh hindi daw nia asawa yun. Kalive-in lang daw. Kumibit-balikat na lang ako. Maya-maya pa nag-cr muna yung senglot na mama. Sabay sabi na dapat daw talaga wala siya dun kasi nga me bisita si Dad tapos ayun siya lasing at nagdadrama. Okay lang sabi namin kasi paalis na rin naman kami. Pagbalik na pagbalik nia sa upuan, nagkwento na naman. Biktima rin pala siya ng isang bading. Bata pa lang daw siya nun. Kung ano ang ibig kong sabihin eh alam nio na yun. Kaya hindi mo masisisi ang pobre kung bakit ganun na lang kapait ang sintimyento niya. Naisip ko tuloy, kagabi lang sinasabi ko LIFE SUCKS! Dapat pala maging masaya pa ako kasi mas ok ang buhay at pinagdaanan ko kumpara sa kanya. Alin, yung mamatayan ka ng mahal limang mo sa buhay? Di biro yun ah .. Isa nga lang napakasakit, lima pa kaya at sabay-sabay pa. Nakakapanghina...Nung mag-umpisa nang maiba ang topic, nag-aya na si Jamie. Eh kasi panay na ang puri ng mama sa akin. Mukhang ang asawa ko eh tinatablan na ng selos. Dangan kasi eh hinimas pa yung ulo sabay paulit-ulit pa na sinabi na "You're lovely. You're skin is perfect and your eyes are dazzling and sparkling."Kaya bago pa pumutok ang namumuong inis ni Jamie eh lumakad na kami. I feel sorry for him sa nangyari sa buhay niya pero tingin ko lang, sa kabila ng tigasin niyang katauhan eh meron siyang soft side na natatago. At base sa nakita ko sa kanya yung isang parte ng pagkatao niya na weak eh lumabas na. Nagkamali ako sa unang impression ko. Sana lang maintindihan niya lalo yung purpose ng mga pangyayari sa buhay niya. Kaya masasabi ko, mas maswerte pala talaga ako.

Read More......

Sunday 11 May 2008

Another Day, Another Dollar!

Ala-sais y media pa lang, nagwawala na ang cellphone ko sa paggising sa akin. Parang naidlip lang ako ah? Tapos eto nanggigising na agad. Nung college ako pag kelangang gumising ng maaga para magreview sa "Pagtutuos", kadalasan pinapatay ko lang yung alarm tapos bumabalik sa pagtulog. Minsan meron akong nakitang alarm sa isang blog na nadaanan ko. Di ko na maalala yun author ng blog pero meron siyang tinalakay na isang klase ng alarm clock. yun bang merong gulong. Napapanood ko kasi sa mga pelikula lalo't pang-teenager eh kadalasan pag tumunog ang alarm clock kundi ibinabalibag eh hinahataw nang halos mawarak. Tsk!Tsk! kawawang alarm clock. Pero yung bagong invention nga na yun eh merong gulong. Kapag nga naman ibinalibag ng may-ari ng alarm clock yun eh gugulong nga naman. tapos kusang hihinto pagkatapos ng ilang metro. Natural after 5-10 minutes tutunog na naman ang hinayupak. Mapipilitang bumangon ang ginigising niya kasi nga eh wala na sa dating kinalalagyan at malamang nakagulong na sa ilalim ng kama. Natawa ako, siguro kung may sariling isip yung alarm clock nang-aasar pa yun at sinasabi, "Hanapin mo 'ko! Hanapin mo 'ko!". Habang ang pobre asar na asar sa nakatutulig na tunog. Parang masarap ipang-regalo yun sa mga batugan tulad ni Jamie ( Joke lang ).

Mabalik ako sa topic. Eh ayun nga nagising na ako at nagprepare sa pagpasok ko sa work. Siyempre pa unang gagawin mo sa umaga eh jumingle tapos kasunod nun ligo na. 'Langya, muntik nang humiwalay yun kaluluwa ko sa unang patak ng tubig na dumapo sa katawan ko. Nanginginig hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng katawan ko. Ang bobo ko, nakalimutan ko isindi un heater. Hehe.. Salamat sa heater. Nung araw tuwing darating ang Disyembre sa aming malayong probinsiya pahirapan sa pagligo. Malamig na ang tubig, bawal pang mag-aksaya. Kaya hindi na bago yun pagsalok mo ng tubig eh nagbibilang ka pa ng Ïsa! Dalawa! Tatlo!"Pagtapos parang ipo-ipo ka sa bilis ng pagligo. Ang hirap talaga! Siguro yung ang dahilan minsan kaya nakikita ko yung ibang kaklase ko na merong mga mapa sa leeg. Ano bang termino nila dun "Pwede nang mapagtaniman ng kamote". Kasi nga eh naipon na un banil. Di ba mga alikabok at lupa at germs na naipon sa isang bahagi ng katawan. Meron pa nga akong kaklase nun ang tukso namin, "BA-NIL" kasi kabaligtaran nun pangalan niya. Hehehe. Nagflash back na naman ako. Nakaka-miss din pala ang mga kainosentehan ng aking kabataan.

Ayun, pagdating ko nga ng hotel mejo napagsabihan ako. Hindi kasi ako gumamit ng vacuum kahapon or ano bang tawag dun, Hoover. Walastik halos malinis ko ang buong hotel kaya kahapon. Malay ko bang wala akong kahalili, ang sabi ng asawa niya pwede na akong umuwi. Pero ok lang, baka pinaalalahanan lang ako. Kasi nga eh ang bagal ko magtrabaho. Isa pa yun, ang hirap naman kayang alisin ng mga buhok sa toilet. Buhok at pubic hair nagsama-sama na sa toilet. Minsan un toilet bowl eh merong apat na perfect parallel line na para bang tuwang-tuwa na nag-slide yun ebs dun. Hay naku, ang hirap talagang magtrabaho. Naisip ko nga eh, kung sino man ang ang nag-check in na yun eh magka-almuranas sana. ( ang sama ko 'no?). Nagchecheck in din naman kami sa hotel paminsan-minsan pero nililinis ko at inaayos bago kami umalis. Pambihira! Ayun napapailing na lang ako na natatawa. Basta naisip ko kailangan kong magtiyaga. Di bale bumawi naman yung amo ko bandang huli. Kasi nung naglilinis at nagpapalit na ako ng mga kubre-kama nakita niya aba daig pa ang pinalantsa ng mga bedsheet. No creases! Oha, akala ko nga hindi mapapansin eh. Kaya mabagal akong magtrabaho dahil pinagbubuti ko.. Mainam na yun kesa naman sa trabahong tsamba di ba?

Natapos ako agad ng maaga ngayon. Mga 12:30 nakatapos na ako sa trabaho. At take note ha, gumamit na ako ng hoover ngayon. Pati silong ng mga kama nilinis ko. Yung iba nga raw hindi ginagawa yun buti nga ako ginagawa ko yun. Halos mahalikan ko nga yun bowl mapaputi ko lang. Ang dami naman kasing ginagamit na panglinis. Eh sa pilipinas nga kasilyas ba ang tawag nila dun. Yung butas lang na malalim. Kapag pumupu ka maririnig mo pa yung pagbagsak nun pupu. Hahaha.. Nun medyo maging modern na ang toilet eh ano bang gamit namin na panglinis, Xonrox lang ayos na. Sabagay hotel naman kasi ito kaya kelangan medyo madiwara. Mahirap nang mapintasan ng mga guests. Bago ako umalis sabi ko sa amo kong babae, "Did you know that its Mother's Day today in the Philippines?" Eh nagluluto kasi sia ng tanghalian. Tapos tumingin siya sa akin "Really?". Medyo nagulat siguro siya kasi bigla akong nagsalita. Tapos sabi ko , "Happy Mother's Day from the Philippines". Natawa siya. Pero napansin kong medyo na-touch siya. Tapos sabi niya, "Here in UK it doesn't matter to me what day and occassion it is. Because we work even Christmas Day.." Naisip ko tuloy, masyado siyang workaholic. Sana medyo gumaan ang pakiramdam nia sa pagbati ko. Surprise yun hehe

Gugulatin ko sana si Jamie kaso bago ako makaliko sa kanto parating ng bahay eh kaso dinig-na dinig ko na ang boses ni Dad. Limang door ang layo nun door namin.Pambihira ulit. Ang lakas ng boses. hehe.. Nakangisi ako nun pumasok sa bahay. At para maiba ang topic eh nag-request na lang ako sa aking House-band ng tanghalian. Hay, sarap humilata after ng work. Pero eto ako nagba-blog. Adik eh! San ka pa! Another day, another dollar or should I say Pound? Ganyan kaexciting ang buhay-hotel ko dito sa UK.

Read More......

Saturday 10 May 2008

Maders Dey!

Naalala ko mother's day pala ngayon. Tamang-tama gising na sila sa Pinas. Panay pa ang sori ng tatay ko dahil hindi agad nakareply sa message ni Jamie. Nag-aalala kasi ang kolokoy kanina at mukha raw emergency ang text ni Tatay. Hindi niya alam gastos yun hehe.. Me pangako kasi ako sa sa Tatay ko. Sabi ko mag-isip siya ng gusto niyang regalo sa birthday nia. At ang mahal kong ama, magaling pipili. Gusto niya eh cellphone daw. Ilang taon na nga si tatay? 55 years old. Mantakin mo, eto pa ang linya sa akin, "Gusto kong cellphone eh mamahalin. Yung pwede ang video call!". Ahahay! Ang itay latest gadget pa ang gusto. O, siya, mukhang me paroroonan na ang unang sweldo.

Bakit nga ba yung tatay ko ang topic? eh mother's day nga ngayon di ba? Yung picture na 'to kuha sa SM Baguio. Pangalawang dalaw ng Boyplen kong si Jamie sa Pinas. Alam mo na, pakitang-gilas siyempre. Sabi ni Jamie iti-treat daw niya ako sa Baguio. Aba, dali-dali naman ako siyempreng nagpaalam sa nanay ko. Nung una, masaya si Nanay. Habang palapit na yun scheduled day ng pagpunta namin sa Baguio panay na ang kalabit ni nanay. Sasama daw sia sa Baguio. Bigla kong naalala, ganun-ganun ako nun maliit ako pag pumupunta si nanay sa Cabanatuan. Hindi ko tinatantanan hangga't hindi sinasabi na isasama ako. Halos hindi ako matulog mabantayan ko lang yung pag-alis ni nanay pero lagi akong bigo. Tuwing gigising ako sa umaga, nakaalis na ang mahal na ina. Nakakatuwa minsan, tapos eto si Nanay, gusto sumama sa Baguio. Mapapahindian mo ba, eh di siempre payag kami ni Jamie. Naku, eto kamo. Sa mismong araw ng alis kasama na rin ang tatay ko at ang bunso namin. Naloko na. Lima pala kaming lalarga.

Ganitong-ganito rin ang nangyari nung unang JS Prom ko. Excited pa naman kamo ako nun. Third year ako nun eh. Kakanta ako ng "When you say nothing at all"ni Alison Krauss. Tapos isa ako sa emcee. Sikat ako nun eh kasi lagi akong present sa mga school activities. (Pacensia na nagbuhat ng bangko). Eto na, tumugtog na ang Mobile disco. Si kuya nelson pa nga ang operator. At ang mga usong kanta nun eh mga musika ng Michael Learns to rock. Nothing to lose pa nga yata yun title ng tugtog ng unang sayaw ko. Crush ko pa naman yun nakipagsayaw. Pagbaling ko sa bintana nandun ang nanay at tatay ko. Nakasilip sa bintana na wariý baý pinag-aaralan ang bawat kilos ko. Kung sino ang makikisayaw sa akin. Mga magulang talaga. Masyadong protektib sa anak. Lalo na ang nanay ko. Pag di ako kumakain ng agahan at nagpatanghali sa gising sasabihin "Buntis ka siguro kaya hindi ka makakain?"" Ang wirdo no? Pero naisip ko, siguro pag naging magulang ako baka mas malala pa sa kanila. Kaya kahit ganun sila kahigpit, wala akong sama ng loob. Tampo lang minsan. At namana ko yun sa nanay ko.

Sa araw na ito nagpupugay ako sa mga Nanay sa buong mundo. Mabuhay ang mga nanay!

Read More......

Swelduhan na!

Bumabagsak-bagsak pa ang talukap ng mata ko ng gisingin ako ng pag-uusap ni Jamie at ni Dad. Ewan ko ba hanggang ngayon asiwa akong tawagin un tatay ni Jamie na "Dad". Hehehe.. Sa "Tatay" lang kasi ako sanay. Iba nga pala dito, Kasi nga English ang salita kaya ayun.

Bweno, 7:15 ng umaga, gumayak na ako. 8:30 kasi kailangan nasa hotel na ako. Kasi tuturuan ako ng amo ko ng iba pang gawain ngayon. Tutulungan ko raw sia sa pagse-serve nga pagkain sa mga guests. Bago mag-alas otso y media nasa hotel na ako. Nagluluto na ng breakfast si Kath. UK Breakfast ang tawag nila dun. Kapag merong bacon, nilagang itlog or sunny side up na itlog, mushroom, kamatis at toasted bread. Siempre katerno nun tsa-a o kape. O di ba? Sosyal! Eh sa pinas kaya, Tuyo, kamatis at sinangag na kanin ayos na ang buto-buto. Namimiss ko na kaya yun!

Dalawang mag-asawa, Isang German lady at dalawang matandang babae ang nadatnan ko . Inutusan ako agad ni Kath na tanungin kung ano pa ang order ng bagong upo'ng bisita. Mukhang mababait sila. Natapos ko agad at nagawa yung mga iniutos ni Kath. Narinig ko pa nga sinabi nia "You're a quick learner! Its not that hard isn't it?" Madali lang naman talaga. Nagiging mahirap lang kapag ayaw talagang gawin. Mukha ngang mas madali pa ito kesa mag-blog. Hehe

Natapos ako ala-una y media. Ang tagal ko palang naglinis. Medyo nahihilo-hilo na rin ako sa gutom. Kaya nagkipagkwentuhan lang ako ng konti sa asawa at anak ni Kath tapos nagpaalam na rin ako. Papaalis na ako nung tawagin ako ni Brian ( Asawa ni Kath ). Sabi niya, "Come here, You want some money?"Ang tanga ko talaga. Hindi ko pa naintindihan nung una ang ibig sabihin. Iiling na sana ako ng mapag-isip-isip ko na sweldo ko pala ang tinutukoy niya. Tatanggihan ko ba yun? Medyo nangati nga bigla ang palad ko nung iaabot na sa akin yun pera. Sabi ko sa sarili ko, "Yehey! Iinggitin ko si Jamie pagdating ko..

Pa'no nga ba ang term nila dun? Abot-tenga ang ngiti? Ganun yata yung itsura ko nun kumatok ako sa bahay. Si Jamie ang nagbukas ng pinto na pupunga-pungas pa. Ang lekat nagta-trabaho ako tapos siya eh patulog-tulog lang. Buti na lang pinaghanda ako ng pagkain. Kundi, mag-aalburoto na naman ang lola mo. Hmmp! Basta, masaya ako ngayon kasi sa wakas, me trabaho na ako. Kahit medyo iba sa linya ng tinapos ko. Dun naman talaga nag-uumpisa. Temporary lang naman kaya tiis muna ako ng konti. Bukas, umpisa na naman ng bagong linggo ng pakikipagsapalaran!

Read More......

Friday 9 May 2008

Umagang Kayganda!

Tanghali na naman akong nagising. Siyempre naman! Ang sakit kaya ng katawan ko kakalinis kahapon. Apat na kuwarto ang nilinis ko. Anim na banyo, isang maluwang na conservatory, katamtamang bar at siyempre ang huli, maglaba. Di naman gaanong kabigatan ang trabaho yun nga lang siguradong lilinisin mo ang ebs ng iba. Lampaso dito lampaso dun. Kasakit pala sa likod. Di bale, sa Linggo unang salary ko. Palagay ko bibili ako ng pang-masahe. Dun lang pala mauubos ang kita ko hehehe.. Biro lang! Mag-iisip pa ako. Kelangan syempre eh yung mapakikinabangan ko.

Siya nga pala, naisip ko paggising ko kanina halos maghapon pala akong nakatayo kahapon. Dangan kasi pagdating ko ,naglinis din ako dito sa bahay at nagluto ng PORK KILAWIN para sa dinner namin. Pagtapos nun, lumibot kami sa kapit-bahay kong Pinay.Si ate Delma. Five years na siya dito at nakapangasawa din ng British. Kakaopera lang kasi niya at naisip naming dalawin ni Jamie. Pagbalik ko inasikaso ko ang pagba-blog. Nakakaadik nang talaga! Tapos nakakadepress pa pag wala kang kita hahaha.. Hay naku, kelan kaya naman kikita ang blog ko?

Read More......

Thursday 8 May 2008

Sa wakas!

Kailan ba ang una at huli kong bisita sa blog na 'to. Ni hindi ko na nasundan yung unang post na ginawa ko. Dala siguro ng depresyon dahil sa kawalan ng trabaho, medyo madrama ang entrada ng lola mo. Pero ngayon, mas iba ang aura ko. Dangan kasi MAY TRABAHO na ako. Aba, siyempre, proud ako. Kahit nga ba tagalinis ng banyo at tagalampaso ng sahig, ayos lang yun. Sabi nga nila "kahit tagahugas ng puwet ng iba, basta nasisilip yung pounds okay lang".

Noong una naiisip ko exaggerated naman yung iba kung bakit nasasabi yun. Pero ngayong nararanasan ko na, aba masasabi mo nga pala. Magkahalong saya at lungkot ang mararamdaman mo kapag ikaw eh nagtatrabaho. Sa klase ng trabaho ko, marami ang pagtatawanan ako. Umalis nga naman ako sa Pinas na tapos ng Accountancy tapos ang trabaho ko pagdating dito at isang hamak na tagalinis. Sabi ko na lang, "E mano ba? May pera naman ako!" Lol.

Sa totoo lang hindi dapat ganun ang maging dahilan. Pero sa hirap ng buhay sa Pinas, kahit siguro ibala ka sa kanyon sa Iraq o tagabilang ng basyo sa Afghanistan tatanggapin mo mabuhay mo lang ang pamilya mo. Ngayon ko naiisip hindi madali ang buhay. Kung yung mga kagaya ko na meron natapos nahihirapan paano na yung mga mas pobre pa sa akin?

Read More......