Busy?? Isang araw akong nag-absent sa aking online portal. Obvious ba? Pa'no kasi naisipan kong magkalutkot ng kung ano-ano. Linis to the max! Halos araw-araw kasi akong naglilinis sa hotel at na-realize ko na yung aming love nest ni Jamie eh hindi ko malinis ng ganun kapulido. Kaya nagrequest ako kaagad sa aking mahal na asawa na bumili ng Bathroom and kitchen cleaner at inumpisahan ang paglilinis. Hoover, Linis, Lampaso, laba, agiw at pati ang lahat ng kurtina nilabhan ko. Mag-aalas singko ng tumawag ang manager ng hotel para ipaalam sa akin na kailangan kong magreport kinabukasan. Nakakapagod! Mukhang marami pa akong gagawin at kelangan ko pang gumising ng maaga kinabukasan. Pero naisip ko, sayang din ang extra 3-4 hours ng work na madadagdag sa kita ko.
Inaantok pa ako ng tumunog ang alarm clock. Kusang sumasara ang kawawa kong mata dala ng kulang sa pahinga. Nagising na rin si Jamie para maghanda ng almusal ko at sinabi sa akin na maligo ako para magising ang diwa ko.
Gaya ng dati, inumpisahan ko na ang paglilinis. Kailangan kong makatapos ng maaga ngayon dahil ngayon din ang schedule ng pag-oopen ko ng Bank Account. Medyo malayo din ang pupuntahan namin at hindi gaya ng dati wala kaming service ngayon, kailangan namin maabutan ang 12:58 bus para makarating sa appointment ko at tuloy mamili ng aming groceries para sa susunod na linggo.
Nakatapos naman kami ng maaga sa lahat ng nakaschedule ng maghapon. Pauwi na kami ng bumulaga sa amin ang isang car accident! Aaminin ko na duwag ako pagdating sa mga vehicular accident. Hindi kasi natin alam kung mabubuhay o mamamatay ka once na minalas ka pagdating sa ganung bagay. At ayun nga, kitang-kita ko ang aksidente sa unahan namin. Meron kasing malaking sasakyan sa unahan namin. Yun bang ginagamit pang-araro sa bukid na may malalaking gulong. Siyempre napakabagal nun kumpara sa mga kotse na nakahanay sa likuran niya. Apat na sasakyan ang nakahilera sa likod. At kami ang pang-apat. Yung pangatlong sasakyan kumanan sa unang kantong nadaanan namin. At yun una at pangala nanatiling nakasunod sa malaking sasakyan. Di nagtagal, siguro nainip yun unang sasakyan sa takbo namin. Kasi nga nakadepende ang bilis ng takbo sa malaking sasakyan na sinusundan namin. Nagdesayd siyang mag-overtake na siya rin namang ginawa ng pangalawang sasakyan. Nagde-day dreaming pa ako nun kung anong bagay ang magandang i-blog sa araw na ito ngunit nakakagulat ang mga pangyayari. Basta nakita ko na lang na yung pangalawang sasakyan at kumabig ng mabilis sa kanan tapos isang malakas na BUMP! sabay talsik ng side mirror ng unang sasakyan. Para kaming nanonood ng action film. Yun bang Die Hard 4.0. Ganun, ganun ang pakiramdam. Medyo gumewang pa ako ng konti na para bang ako ang driver at bida sa nakikita kong palabas. Naku nakakagulat talaga. Tahimik kaming tatlo sa sasakyan. Sabi ko sa isip isip ko kasalanan nun pangalawang sasakyan. Pero naisip ko rin hindi siguro nag-indicate yung unang sasakyan na mag-oovertake siya, sahilan kung bakit nagsiksikan sila na makauna sa malaking sasakyan.
Tuloy-tuloy na humarurot ang dalawang sasakyan at saka huminto sa Gasolinahan. Mukhang argumentong umaatikabo. Kasi bumaba ang matabang babae na may ari nung pangalawang sasakyan pagkatapos mag-asawa naman dun sa unang sasakyan. Sana nagkasundo ang dalawang panig. Buti na lang walang nasaktan. Kung hindi isang masamang panaginip. Baka hindi ako makatulog. Yan kasi, dapat pinag-aaralan ang lahat ng mga rules pagdating sa pagmamaneho. Sa bawat kabig ng manibela alam natin na buhay ang kapalit. Sabi nga nila iisa lang daw ang buhay kaya mahalin ito. Iwasan ang magmaneho ng inaantok, nakainom/nag-drugs or sumagot ng tawag pag nagda-drive. Yan ang ilan sa mga karaniwang sanhi kung bakit may mga vehicular accident. Kaya kailangan siguro natin malaman ang meaning ng salitang, ÏNGAT".
Custom Search
Thursday, 15 May 2008
Car Crash!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment