Custom Search

Sunday, 11 May 2008

Another Day, Another Dollar!

Ala-sais y media pa lang, nagwawala na ang cellphone ko sa paggising sa akin. Parang naidlip lang ako ah? Tapos eto nanggigising na agad. Nung college ako pag kelangang gumising ng maaga para magreview sa "Pagtutuos", kadalasan pinapatay ko lang yung alarm tapos bumabalik sa pagtulog. Minsan meron akong nakitang alarm sa isang blog na nadaanan ko. Di ko na maalala yun author ng blog pero meron siyang tinalakay na isang klase ng alarm clock. yun bang merong gulong. Napapanood ko kasi sa mga pelikula lalo't pang-teenager eh kadalasan pag tumunog ang alarm clock kundi ibinabalibag eh hinahataw nang halos mawarak. Tsk!Tsk! kawawang alarm clock. Pero yung bagong invention nga na yun eh merong gulong. Kapag nga naman ibinalibag ng may-ari ng alarm clock yun eh gugulong nga naman. tapos kusang hihinto pagkatapos ng ilang metro. Natural after 5-10 minutes tutunog na naman ang hinayupak. Mapipilitang bumangon ang ginigising niya kasi nga eh wala na sa dating kinalalagyan at malamang nakagulong na sa ilalim ng kama. Natawa ako, siguro kung may sariling isip yung alarm clock nang-aasar pa yun at sinasabi, "Hanapin mo 'ko! Hanapin mo 'ko!". Habang ang pobre asar na asar sa nakatutulig na tunog. Parang masarap ipang-regalo yun sa mga batugan tulad ni Jamie ( Joke lang ).

Mabalik ako sa topic. Eh ayun nga nagising na ako at nagprepare sa pagpasok ko sa work. Siyempre pa unang gagawin mo sa umaga eh jumingle tapos kasunod nun ligo na. 'Langya, muntik nang humiwalay yun kaluluwa ko sa unang patak ng tubig na dumapo sa katawan ko. Nanginginig hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng katawan ko. Ang bobo ko, nakalimutan ko isindi un heater. Hehe.. Salamat sa heater. Nung araw tuwing darating ang Disyembre sa aming malayong probinsiya pahirapan sa pagligo. Malamig na ang tubig, bawal pang mag-aksaya. Kaya hindi na bago yun pagsalok mo ng tubig eh nagbibilang ka pa ng Ïsa! Dalawa! Tatlo!"Pagtapos parang ipo-ipo ka sa bilis ng pagligo. Ang hirap talaga! Siguro yung ang dahilan minsan kaya nakikita ko yung ibang kaklase ko na merong mga mapa sa leeg. Ano bang termino nila dun "Pwede nang mapagtaniman ng kamote". Kasi nga eh naipon na un banil. Di ba mga alikabok at lupa at germs na naipon sa isang bahagi ng katawan. Meron pa nga akong kaklase nun ang tukso namin, "BA-NIL" kasi kabaligtaran nun pangalan niya. Hehehe. Nagflash back na naman ako. Nakaka-miss din pala ang mga kainosentehan ng aking kabataan.

Ayun, pagdating ko nga ng hotel mejo napagsabihan ako. Hindi kasi ako gumamit ng vacuum kahapon or ano bang tawag dun, Hoover. Walastik halos malinis ko ang buong hotel kaya kahapon. Malay ko bang wala akong kahalili, ang sabi ng asawa niya pwede na akong umuwi. Pero ok lang, baka pinaalalahanan lang ako. Kasi nga eh ang bagal ko magtrabaho. Isa pa yun, ang hirap naman kayang alisin ng mga buhok sa toilet. Buhok at pubic hair nagsama-sama na sa toilet. Minsan un toilet bowl eh merong apat na perfect parallel line na para bang tuwang-tuwa na nag-slide yun ebs dun. Hay naku, ang hirap talagang magtrabaho. Naisip ko nga eh, kung sino man ang ang nag-check in na yun eh magka-almuranas sana. ( ang sama ko 'no?). Nagchecheck in din naman kami sa hotel paminsan-minsan pero nililinis ko at inaayos bago kami umalis. Pambihira! Ayun napapailing na lang ako na natatawa. Basta naisip ko kailangan kong magtiyaga. Di bale bumawi naman yung amo ko bandang huli. Kasi nung naglilinis at nagpapalit na ako ng mga kubre-kama nakita niya aba daig pa ang pinalantsa ng mga bedsheet. No creases! Oha, akala ko nga hindi mapapansin eh. Kaya mabagal akong magtrabaho dahil pinagbubuti ko.. Mainam na yun kesa naman sa trabahong tsamba di ba?

Natapos ako agad ng maaga ngayon. Mga 12:30 nakatapos na ako sa trabaho. At take note ha, gumamit na ako ng hoover ngayon. Pati silong ng mga kama nilinis ko. Yung iba nga raw hindi ginagawa yun buti nga ako ginagawa ko yun. Halos mahalikan ko nga yun bowl mapaputi ko lang. Ang dami naman kasing ginagamit na panglinis. Eh sa pilipinas nga kasilyas ba ang tawag nila dun. Yung butas lang na malalim. Kapag pumupu ka maririnig mo pa yung pagbagsak nun pupu. Hahaha.. Nun medyo maging modern na ang toilet eh ano bang gamit namin na panglinis, Xonrox lang ayos na. Sabagay hotel naman kasi ito kaya kelangan medyo madiwara. Mahirap nang mapintasan ng mga guests. Bago ako umalis sabi ko sa amo kong babae, "Did you know that its Mother's Day today in the Philippines?" Eh nagluluto kasi sia ng tanghalian. Tapos tumingin siya sa akin "Really?". Medyo nagulat siguro siya kasi bigla akong nagsalita. Tapos sabi ko , "Happy Mother's Day from the Philippines". Natawa siya. Pero napansin kong medyo na-touch siya. Tapos sabi niya, "Here in UK it doesn't matter to me what day and occassion it is. Because we work even Christmas Day.." Naisip ko tuloy, masyado siyang workaholic. Sana medyo gumaan ang pakiramdam nia sa pagbati ko. Surprise yun hehe

Gugulatin ko sana si Jamie kaso bago ako makaliko sa kanto parating ng bahay eh kaso dinig-na dinig ko na ang boses ni Dad. Limang door ang layo nun door namin.Pambihira ulit. Ang lakas ng boses. hehe.. Nakangisi ako nun pumasok sa bahay. At para maiba ang topic eh nag-request na lang ako sa aking House-band ng tanghalian. Hay, sarap humilata after ng work. Pero eto ako nagba-blog. Adik eh! San ka pa! Another day, another dollar or should I say Pound? Ganyan kaexciting ang buhay-hotel ko dito sa UK.

No comments: