Custom Search

Thursday 11 September 2008

Fish Hunter

105_0311 Nagtataka siguro kayo kung bakit picture ng pusa at fish tank and nakapost ngayon. Naisip ko kasing maglagay ng fish tank dahil sabi ng ilan kapag daw merong fish tank or bird sa bahay, swerte daw. Try ko na rin malay natin totoo. Wala namang mawawala. Isa pa, gusto ko rin na meron nilalaro pag dumadating ako galing ng work. Meron namang isa at kaputol na isda sa loob ng tank na yan. YUn nga lang hindi ko pa gano maharap na lagyan ng abubot dahil hindi ko pa rin alam kung san makakabili. Magpapasama na lang kami minsan sa kapitbahay namin na nagbigay din nito. Actually meron pang isang fish tank na darating. Mukhang umuulan ng fish tank. Iniisip ko tuloy mag-alaga ng tilapya at bangus sa fishtank. hahaha.. Para kasing bigla kong na-miss yun mga Pilipinong Isda. ( Tama bang bigyan ng nationality ang mga kawawang isda?) anyways, hindi nman kasi masarap at fresh ang mga isda nila dito. At least sa pinas kahit ako ang maglilinis ng mga hasang ng isdang nabibili ko sa palengke eh nakasisigurado akong fresh yun. Ano pa ang namimiss ko. Me tulya at suso pa sila dito? Wala nman. Kundi re-cooked na prawn eh mga pugot na isda ang mabibili ko dito. Bakit nga ba? Sabi kasi ni Jamie eh ayaw niya ng merong ulo ang isda. ( Hello?! Ulo kaya ang masarap) Eh kasi daw, para daw nakatingin sa kanya ang isda pag kinakain nia at naaawa sia.Maryones!

Eh ano nman daw ang ginagawa nung pusa sa tabi ng tank. Sia si Cleo ang maarteng pusa. Hehe.. Mula nang ilagay namin yang tank at nakita niang merong dalawang isda na lumalangoy, eh ginawa na niyang tambayan yan. Sabi ko nun una baka nakikipagkilala. At maisip-isip ko nung huli eh meron pa lang masamang balak sa mga isda. Minsan nahuli ko medyo iba ang tingin sa mga kawawang isda at panay ang dila na akala mo batang meron naiwang sauce sa gilid ng labi. Ang loka, ibig pa yatang maging dinner un mga fish. Wala nman siyang magagawa at yung mga isda para pang nang-aasar sa harap nia. Sa awa ko eh nagbukas ako ng sardinas para ipatikim sa kanya. Bakit ba kasi, buong buhay nia eh puro catfood and ipinakain ng mga amo nia. Nung patikimin ko ng sardinas eh hayok na hayok ang bruhita. Tawa tuloy ng tawa si jamie. Si cleo daw eh mahilig na rin sa filipino foods. Akalain mo naisip pa ni Jamie yun eh sa pilipinas ang tawag sa pusang kagaya ni Cleo eh PUSAKAL ( in long, PUSANG-KALYE).

Read More......

Saturday 6 September 2008

Blag-a-hotic!

Eto ang bagong term na umiikot sa isip ko mula kahapon. Ilang oras din akong lumibot-libot sa mga site. Click dito, click doon. Anupat makalipas ang ilang oras, pakiramdam ko nag-uulap ang paligid. Ilang oras din kasi akong nakaupo sa harap ng laptop ko kakaaral kung papaano mapapataas ang traffic ko. Hay! Ang hirap talagang kumita ng pera. Kailangan pagtuunan ko ng pansin kung paano ko didiskartehan to. Anyway, palagay ko naman eh merong naitulong ang mga natutunan ko. Palibhasa eh jologs pa ako sa sa pagba-blag kaya naman sobrang nahihirapan ako.

Maaga akong nagising dahil meron akong work ng alas otso. Si Jamie ginising ko na rin para maihanda niya ang agahan ko. Aba mahirap na magutom sa work. Di pa nman ako makahingi kahit isang basong tubig dun.

Sa hotel, ok naman. Madalang ang nagbabakasyon dahil sa masamang panahon. Dalawang kuwarto lang ang lilinisin ko. Masayang malungkot hehehe.. masaya kasi maaga akong matatapos. malungkot kasi konti ang kita . Panay panay nga ang day off ko eh .. wahehehe.. Pero kanina, imbyerna na ako sa guest sa room 1. Hmmp! Dapat maaga ako nakauwi kung hindi dahil sa kanya. Aba, nagpapatagal masyado sa pag-alis. Buti sana kung me iniwan na tip eh wala naman. At nun lumabas siya, akala ko ready to clean na un room. inalis ko ang mga bed sheet pagbalik ko nandun na nman siya. At ini-lock pa ang pinto. Nung lumabas hindi man lang nag-thank you.. Sus maryosep na ale ito. Pero pagpasok ko sa kuarto, ano itong humahalimuyak. Hindi nman pabango at sobrang sang-sang nman yata. Palagay ko eh meron diarrhea. Now I know kaya ini-lock ang pinto ( Buti nga sa kanya ).

Tuloy ang paglilinis. Palit ng kubre-kama, linis ng tasa.. at eto na , sa toilet na ako.. Anak ng teteng! Ang lababo eh napakarumi. Hanggang sa wall merong mga itim-itim gawa ng paglilinis siguro ng kamay niya. ( Alam nio na yun). At ang shower. Oo nga at hindi nagamit, ngunit parang sinadya nman niyang lagyan ng dumi ang shower basin.. Pambihira naman si ateng! Hindi na nga nakatulong eh nakaperwisyo pa! Minsan iniisip ko, alam kaya ng mga customer ang pinagdadaanan ng mga tagalinis? Parang hindi sila sensible. May mga ilang customer nman na talagang inaayos ang kuarto bago nila iwanan ngunit marami pa rin sa kanila na salaula at hindi nag-iisip minsan. Hay buhay! Kung minsan sinasadya pang dumihan ang kuarto o kalatan. Buti na lang, pasensiyosa ako. Kung hindi, sia ang paglilinisin ko ng kalat nia ( hehe joke lang ). Di bale, ilan lang nman ang mga kagaya nia. At least natapos at nagawa ko ng maayos ang trabaho ko sa araw na ito.




Type rest of the post here

Read More......

Wednesday 3 September 2008

6th Monthsary after Marriage!

Today was our 6th monthsary. Wala naman bago sa araw na to. Katunayan nga eh nandito lang ako sa bahay at nagmumukmok. Ano ba nman kasi ang kelangan gawin pag ganitong monthsary. Kung nasa Pinas ako pihadong laman ako ng mall at nakikipila sa sinehan or kakain sa Jolibee. Ganun lang nman kasimple i-celebrate ang monthsary sa Pinas. Eh dito sa UK bawat kilos mo magbabayad ka ng napakamahal. Josme! Wag mo nang i-convert sa Peso at pihado baka di mo na naisin pang kumain o magkasya ka na lang sa pagbbrowse sa internet ng mga nakakatakam na pagkain.

Originally, dapat lalabas kami ni Jamie ngayon para mag-date sa isang pub di kalayuan dito. Pero kasi mula kaninang umaga hanggang sa noong matapos ang work ko eh umuulan at malakas ang hangin, nagdecide ako na mag-stay na lang sa bahay at i-save na lang nia yung pera para sa pagkain namin sa labas. Although para kay Jamie eh mas okay daw na lumabas kami para kasi nga semi-annual na ang celebration kung baga. 6 months to go na nga lang naman at isang taon na kaming kasal. Aba ang bilis din ng panahon. Biruin mo dumaan yun 6 months na paupo-upo lang si Jamie ko habang ako eh kandahirap sa pageeskoba sa hotel. Pambihira! Buti na lang at nagdesisyon na ang kapatid ni Jamie na ibenta itong bahay by the end of this month para naman makalipat na kami at tuloy makahanap ng medyo ayos namang trabaho. Nakakasawa din kasi yung trabaho ko although hindi nakakastress masyado. Pero ang kalaban mo nman eh pananakit ng mga kasu-kasuan. Ilang buwan na lang din nman at medyo mababawasan na ang oras ko sa hotel dahil sa papalapit na Autumn. Ngayon pa nga lang nararamdaman ko na ang lamig. Sobra! Nangangawit na nga ang aking kamay kaka-browse sa internet or sa Ebay ng mga winter clothes. Pano nman kasi hindi naman ako makapagshopping kapag si Jamie ang kasama ko at nabubuwsit ako. Hindi wari makitingin-tingin sa Men's section kundi susunod ng susunod sa akin na akala mo bodyguard ko. Alam mo yung feeling na nakakapressure kasi sa sulok ng mata mo eh nakikita mong paiba-iba ang timpla ng kanyang mukha dahil sa pagkainip. Ayoko nga ng ganun. Ganyan din ang nangyari sa pagpunta namin sa Liverpool. Ang daming sale dun pero hindi ko maenjoy kahit window shopping kasi parang merong timer yun ibang kasama namin. Nakakainis pag ganun diba? Kaya nung bumalik kami dito sa Wales eh panay naman ang sama ko kay Jamie pagpupunta sia sa bayan para kahit iwanan nia ako sa shope dun, eh sunduin na lang nia ako pag natapos sia sa pakay nia sa pagpunta sa doctor nia or sa kaibigan nia. Kaya mula ngaun, ganun ang gagawin ko. Ok lang kahit magbuhat ako ng 10 plastic bag ng pinamili ko at least sa bawat ngawit ng pagbubuhat ko nung mga yun kapalit nman yun pag-eenjoy ko ng pamimili. O di ba? Kung magsalita ako parang ang dami kong pera no. Once in a blue moon lang nman kami kung magpunta sa shops kaya naman ganun karami ang pinamimili. Anyway, boring ang aming celebration pero ok lang. Bukas day off ko. Kaya kelangan gabi pa lang nakaswitch off na ang mga telepono para walang manggigising ng maaga. hehehe. Babush!

Type rest of the post here

Read More......