Custom Search

Tuesday, 13 May 2008

Pambihirang Araw!

Medyo maaga-aga ako nakarating sa hotel ngayong araw. At tulad ng utos sa akin, kailangang merong kusang-palo. Ni hindi pa ako nakakatatlong hinga pagdating ko, eh nag-umpisa na akong maglinis. Sigurado ineexpect nila na mabilis lang ang trabaho ko ngayon. Naisip ko, hindi ko kailangan linisin lahat kung hindi naman kailangan para maiwasan ang pagtagal ng trabaho ko. Parang tsunami ako sa bilis ng paglilinis ko. Hindi ko na rin alintana kung nasusugatan ang kamay ko. Ang nasa isip ko matapos ko ang trabaho kasi nga eh inoorasan ako.

Pamaya-maya pa, nakatapos na ako ng dalawang kuarto. Akyat-baba ako sa hagdan buhat-buhat ang napakabigat na hoover. Pero bago pa magkomento ang amo ko, nagawa ko na lahat ng gusto niyang gawin ko. Sana naimpress ang matanda. Ako naman ay walang reklamo basta kung ano ang inutos yun ang gagawin ko.

Nasa huling kuarto na ako ng mapansin ko itong toilet sa room 2. Anak ng tokwa, me sawa sa toilet bowl. Akala ko namamalikmata ako. Isang pindot lang naman saya kusa nang lulubog yun hindi pa nagawa. Hay buhay! Eh ano pang magagawa ko, ako na ang nandun kaya ako na ang gagawa. Inutusan ako na buhatin un ibang furnitures para pati un mga natatakpan ng furnitures eh ma-hoover ko. Na siya ko namang ginawa. Natapos ko ng maayos ang trabaho at wala naman akong narinig na side-comment sa araw na ito.

Nagulat si Jamie sa pagdating ko ng maaga. Iniisip niya kasi mas late ako makakauwi sa araw na ito. Naisip ko, mukhang mas konti ang kita ko sa linggong ito. ang dami naming babayaran at nasa pinakamasalimuot na linggo kami na kung saan ang bills ay nagsisiksikan. Hay pano na ito? Sa sabado pa ulit ang araw ng pasok ko. Sana overtime para makabawi or else hindi magkakasya ang budget namin for this week. Sana summer na para mas matagal ang oras ko hehe

No comments: