Custom Search

Friday, 30 May 2008

Chatter Box

I had to prepare early today for my duty. Hmmm.. Ini-expect ko na na maraming akong gagawin sa araw na to. At nasabi ko rin yun kay Jamie. Pero medyo nalula ako sa dami ng nilinis kong kuwarto. Or should I say, Lahat ng kuwarto nilinis ko. Ang problema, yung ibang guests na umokupa ng rooms nakakapagpakulo ng dugo. Hindi siguro nalalaman ng mga taong ito kung ano ang ginagawa ng mga chamber maid na kagaya ko. Pambihira! Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin hehe... Ano ba ang meron sa araw na to at mukhang nung magsabog ng swerte si Lord eh nasapo ko yung pagiging swerte sa sa dami ng lilinisin. Imagine, yung isang kuarto kung na lang sinadyang isabog ang buhangin sa buong kuarto. Grabe talaga. Nag-start ako maglinis 8:30 at 1:45 na ako ng hapon nagtapos. Sus! kinailangan ko pang ihoover ng dalawang beses yun kuarto na yun para lang malinis ko ng mabuti. Yung isang kuart naman mukhang galante. Meron isang bottle ng wine at 5 pounds na nakalagay sa mesa. Malay ko kung kanino yun, eh di sinoli ko sa may-ari all though alam ko naman na tip talaga yun. Kaso hinihintay ko nga sana na ibigay sa akin nun may-ari kaso hindi ibinigay. Sayang! Pera na naging bato pa! At eto na nga, bumalik na ako sa kuwarto na yun para ituloy ang paglilinis. Sa wari ko baý bayad yun sa maglilinis dahil me plema para sa shower room at sa sink! Anak ng tokwa naman!Pag minamalas ka nga naman.. Diretso linis. Maya-maya pa talagang pagod at tuyo na ang lalamunan ko sa paglilinis. At katulad ng mga nakaraang araw super madali ako sa pagtapos ng trabaho.

Salamat na lang natapos ko na. Pero isipin ko pa lang na babalik ako ng alas siete ng gabi eh napapagod na ako. Iniisip ko tuloy sana walang customer! Eh pano naman kasi nung nakaraang linggo, napakaraming customer. Nalito lito ako at wari ko ba eh pag nagserve ako eh matatapos or madadapa ako. Bakit naman kasi ipinapainit pa yun plato eh. Mainit na nman yun pagkain .. Salamat na lang at hindi ganun kabisi ang hotel. Umpisahan at ihinto ko yun trabaho kanina. Pano mag-start ako magplantsa mamaya-maya nagbago na naman un isip ng may-ari. Nahihilo tuloy ako sa kanya. Ok pa naman sanang mamalantsa hehe.. Mejo madali lang kasi puro punda lang ang nakatoka sa akin at si Jeanette ang nagpaplantsa ng mga quilts. Weee! Kasalanan yun nung mga bagong dating kasi dahil sa kanila eh inihinto namin ang pamamalantsa. Abala noh?!

Chat! Chat! Chat! In between serving and preparing foods eh nagchichikahan kaming tatlo ni Jeanette and Kath. Mejo ayos nman ang buong araw ko dahil himala yatang hindi stress yung matanda. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh magiliw at nakikipagkwentuhan siya sa akin. Pero Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw eh ako lang ang nagttrabaho ng mabibigat na trabaho. Hmmmm.... Siguro ayaw ng iba ang paglilinis kaya tuloy ako ang pinagttyagaan nia. Natatandaan ko nga sabi niya sa asawa niya wag daw ako i-upset. Hehe Kasi nga naman pag nagback out ako eh wala na silang maganda at masipag na worker. ( ooopsss! sori ayaw ko magbuhat ng bangko!). Marami rin kaming napagkwentuhan at paminsan-minsan natutuwa ako sa mag-ina kasi mukhang napaka-close nila. Panay ang biruan nila. Naalala ko tuloy si nanay kasi minsan madalas kami mag-away nun. Pero love ko yun siempre, talaga lang suplada ako lalo na pag nakukulitan ako.. :p Bugnutin kasi ako! Isa pa theres no way na ikumpara ko kami ni nanay sa mag-ina sa harapan ko kasi sila mejo maluwag sa buhay eh kami nun, bata pa lang iniiwan na kami ni nanay para kumayod ng pangtawid gutom sa mga susunod na araw. Kaya yun siguro ang dahilan ng mejo malayo kong loob sa kanila. Nasanay ako na mag-isa at malayo sa kanila. Pero sa totoo lang, nakatulong yun. Kasi kung hidni nila ako sinanay, hindi malakas ang loob ko at matapang na pupunta at makikipagsapalaran sa ibang bansa. Kita mo nga ngayon, pa-english english na lang ako hehehe.. hmmp! Pag-uwi panigurado hindi na matigas ang dila ko sa pag-eenglish...




1 comment:

Mommy Liz said...

Sana kinip mo na lang ang 5 pounds, para pala sa paglinis ng plema yun eh, hehehe..kakatuwa tong blogsite mo na to ha, lagi nga ako bibisita dito..natatawa akong mag isa rito eh, hehehe..sori now ko lang napagtuunan ng pansin tong blogsite mo na to..naka bookmark ka kasi sa kin, kaya madlang kong i click ang name mong eds..kanina natuwa akong i click, nakita ko ang mga blogsites mo, so na kita ko tong talambuhay mo. hahaha! pano, next time uli..