Custom Search

Wednesday, 28 May 2008

Day Off!

Sa sobrang pagod ko sa mga nakaraang araw, tinanghali ako ng gising. Buti na lang day-off ko ngayon. Ano nga ba ang pwede kong magawa? Kanina lang kausap ko yung kaibigan ko na nasa Pinas. Si Jasmin. Matagal-tagal din kaming hindi nakapagchikahan nito. Dangan kasi palaging busy sa work niya. Naitanong ko tuloy sa kanya bago matapos ang tsikahan namin kung kelan ang kasal. Naiinip na kasi kami kung kelan niya balak lumagay sa magulo. Hehehe.. Mas nauna pa siyang magplano kesa sa amin ni lou pero nauna pa kaming makasal. Pambihira itong si Jas oo. Kelan kaya matutuloy ang plano nila? Bilang pagwawakas ng aming kumustahan, minabuti kong sabihin na balitaan ako kung kelan matutuloy ang kasal. Meron na kasing date dati eh, Yung nga lang di sinai kung anong year??!!! wahehehe Malay ko bang unidentified pa yun. :p

Panay ang browse ko sa internet kung ano ang pwedeng maipangregalo kay Jamie. Mag-3 months na kasi kaming kasal at dumating na ang surprise nia sa akin. Ano pa kundi SKECHERS. Palagi akong nireregaluhan nito ng sapatos. Minsan naiisip ko mukha ba akong paa?? ( Joke) Sabi nila kapag daw noong bata ka eh hindi mo nararanasan magkaroon ng bagong sapatos o bagong damit, ang tendency pag nagkaroon ka na ng pera , puro yun ang bibilhin mo. Palagay ko mekatotohanan ang bagay na to. Kasi natatandaan ko noong bata pa ako, lagi ako binibilhan ni nanay ng sapatos na bagama't bago eh bago matapos ang isang buwan nakangiti na ito dulot ng pagkabasa o palagiang paggamit dito. Ang kasunod na bibilhin ni nanay eh isang bote ng rugby para maibalik ito sa pagkakadikit. Natatandaan ko pa nung minsang humiram si nanay ng sapatos sa kanyang kumare at nakita ng may-ari na suot ko ito, halos ikahiya ko ng sabihin niyang sapatos niya yun. Mula nun, tumatak sa isip ko na paglaki ko at nagkapera ako, bibili ako ng sapatos na mas mahal pa sa sapatos niya. Ano bang ipinagpuputok ng butse niya eh yung sapatos naman niya eh hindi na kasya sa kanya at luma na? Minsan naisip ko, sadyang may mga taong masasama ang ugali at maramot sa kapwa.

Bago ako umalis ng Pinas noong nakaraang taon, ipinamigay ko ang mga sapatos na alam ko naman hindi ko madadala. Ilan dito ay mga bago pa at binili ko na gawa sa balat at sa mahal na halaga. maging ang iba kong damit at bag at ipinamigay ko na rin. Alam ko naman kasi na pagdating ko rito ay hindi ako pababayaan ni Jamie na hindi magkaroon muli ng mga ganong bagay. At hindi nga ak nagkamali. Nang dumating ako dito, binilhan ako nga aking mother in law ng napakaraming damit at cardigans na magagamit ko sa panahon ng taglamig. Si Jamie nman binilhan ako ng ilang sapatos na gustong-gusto ko. Maging ang mga kapatid ni Jamie ay naging maaruga sa akin. Kaya tama un kasabihan, pag merong nawala , mas maraming bumabalik. Sa simpleng pamimigay ng mga gamit ko mula sa Pinas, napalitan naman ito with matching di mo maipagpapalit ng kapamilya. O di ba?





Type rest of the post here

2 comments:

Mommy Liz said...

hoy ha, nakakatuwa ang blog mo na to..na remind ang karanasan ko noong high school, binigyan ako ng cousin ko ng black shoes, kahit malaki isinuot ko pa rin, hehehe,.aba, sayang noh..kaso lang, ayaw ng dumikit ng harap, at rugby was my bestfriend during that time..kaso nakikita ng mga classmate ko,s ab i nila, buti pa raw ang shoes ko laging nakangiti kahit ako eh nakabusangot, oh di ba?????kakahiya din yun..kaya pag punta ko dito, panay shoes ang binibili ko at mga purses. ngayong 4 kids na ako, hehehe..ok na ang goodwill..at least shoes pa rin.

eds said...

naiintriga akos a goodwill na yan ha.. sana meron din nian dito hehehe.. pihado weekly nandun ako ..