Custom Search

Saturday, 10 May 2008

Maders Dey!

Naalala ko mother's day pala ngayon. Tamang-tama gising na sila sa Pinas. Panay pa ang sori ng tatay ko dahil hindi agad nakareply sa message ni Jamie. Nag-aalala kasi ang kolokoy kanina at mukha raw emergency ang text ni Tatay. Hindi niya alam gastos yun hehe.. Me pangako kasi ako sa sa Tatay ko. Sabi ko mag-isip siya ng gusto niyang regalo sa birthday nia. At ang mahal kong ama, magaling pipili. Gusto niya eh cellphone daw. Ilang taon na nga si tatay? 55 years old. Mantakin mo, eto pa ang linya sa akin, "Gusto kong cellphone eh mamahalin. Yung pwede ang video call!". Ahahay! Ang itay latest gadget pa ang gusto. O, siya, mukhang me paroroonan na ang unang sweldo.

Bakit nga ba yung tatay ko ang topic? eh mother's day nga ngayon di ba? Yung picture na 'to kuha sa SM Baguio. Pangalawang dalaw ng Boyplen kong si Jamie sa Pinas. Alam mo na, pakitang-gilas siyempre. Sabi ni Jamie iti-treat daw niya ako sa Baguio. Aba, dali-dali naman ako siyempreng nagpaalam sa nanay ko. Nung una, masaya si Nanay. Habang palapit na yun scheduled day ng pagpunta namin sa Baguio panay na ang kalabit ni nanay. Sasama daw sia sa Baguio. Bigla kong naalala, ganun-ganun ako nun maliit ako pag pumupunta si nanay sa Cabanatuan. Hindi ko tinatantanan hangga't hindi sinasabi na isasama ako. Halos hindi ako matulog mabantayan ko lang yung pag-alis ni nanay pero lagi akong bigo. Tuwing gigising ako sa umaga, nakaalis na ang mahal na ina. Nakakatuwa minsan, tapos eto si Nanay, gusto sumama sa Baguio. Mapapahindian mo ba, eh di siempre payag kami ni Jamie. Naku, eto kamo. Sa mismong araw ng alis kasama na rin ang tatay ko at ang bunso namin. Naloko na. Lima pala kaming lalarga.

Ganitong-ganito rin ang nangyari nung unang JS Prom ko. Excited pa naman kamo ako nun. Third year ako nun eh. Kakanta ako ng "When you say nothing at all"ni Alison Krauss. Tapos isa ako sa emcee. Sikat ako nun eh kasi lagi akong present sa mga school activities. (Pacensia na nagbuhat ng bangko). Eto na, tumugtog na ang Mobile disco. Si kuya nelson pa nga ang operator. At ang mga usong kanta nun eh mga musika ng Michael Learns to rock. Nothing to lose pa nga yata yun title ng tugtog ng unang sayaw ko. Crush ko pa naman yun nakipagsayaw. Pagbaling ko sa bintana nandun ang nanay at tatay ko. Nakasilip sa bintana na wariý baý pinag-aaralan ang bawat kilos ko. Kung sino ang makikisayaw sa akin. Mga magulang talaga. Masyadong protektib sa anak. Lalo na ang nanay ko. Pag di ako kumakain ng agahan at nagpatanghali sa gising sasabihin "Buntis ka siguro kaya hindi ka makakain?"" Ang wirdo no? Pero naisip ko, siguro pag naging magulang ako baka mas malala pa sa kanila. Kaya kahit ganun sila kahigpit, wala akong sama ng loob. Tampo lang minsan. At namana ko yun sa nanay ko.

Sa araw na ito nagpupugay ako sa mga Nanay sa buong mundo. Mabuhay ang mga nanay!

No comments: