Ang BLAG na ito ay naglalaman ng aking mga karanasan, kainosentehan, sintimyento, drama at komedya ng totoong buhay! Magandang araw sa inyo mga mambabasa! Kayo'y malayang magkomento sa mga artikulong nasusulat dito. Maraming salamat sa pagbisita!
Nagtataka siguro kayo kung bakit picture ng pusa at fish tank and nakapost ngayon. Naisip ko kasing maglagay ng fish tank dahil sabi ng ilan kapag daw merong fish tank or bird sa bahay, swerte daw. Try ko na rin malay natin totoo. Wala namang mawawala. Isa pa, gusto ko rin na meron nilalaro pag dumadating ako galing ng work. Meron namang isa at kaputol na isda sa loob ng tank na yan. YUn nga lang hindi ko pa gano maharap na lagyan ng abubot dahil hindi ko pa rin alam kung san makakabili. Magpapasama na lang kami minsan sa kapitbahay namin na nagbigay din nito. Actually meron pang isang fish tank na darating. Mukhang umuulan ng fish tank. Iniisip ko tuloy mag-alaga ng tilapya at bangus sa fishtank. hahaha.. Para kasing bigla kong na-miss yun mga Pilipinong Isda. ( Tama bang bigyan ng nationality ang mga kawawang isda?) anyways, hindi nman kasi masarap at fresh ang mga isda nila dito. At least sa pinas kahit ako ang maglilinis ng mga hasang ng isdang nabibili ko sa palengke eh nakasisigurado akong fresh yun. Ano pa ang namimiss ko. Me tulya at suso pa sila dito? Wala nman. Kundi re-cooked na prawn eh mga pugot na isda ang mabibili ko dito. Bakit nga ba? Sabi kasi ni Jamie eh ayaw niya ng merong ulo ang isda. ( Hello?! Ulo kaya ang masarap) Eh kasi daw, para daw nakatingin sa kanya ang isda pag kinakain nia at naaawa sia.Maryones!
Eh ano nman daw ang ginagawa nung pusa sa tabi ng tank. Sia si Cleo ang maarteng pusa. Hehe.. Mula nang ilagay namin yang tank at nakita niang merong dalawang isda na lumalangoy, eh ginawa na niyang tambayan yan. Sabi ko nun una baka nakikipagkilala. At maisip-isip ko nung huli eh meron pa lang masamang balak sa mga isda. Minsan nahuli ko medyo iba ang tingin sa mga kawawang isda at panay ang dila na akala mo batang meron naiwang sauce sa gilid ng labi. Ang loka, ibig pa yatang maging dinner un mga fish. Wala nman siyang magagawa at yung mga isda para pang nang-aasar sa harap nia. Sa awa ko eh nagbukas ako ng sardinas para ipatikim sa kanya. Bakit ba kasi, buong buhay nia eh puro catfood and ipinakain ng mga amo nia. Nung patikimin ko ng sardinas eh hayok na hayok ang bruhita. Tawa tuloy ng tawa si jamie. Si cleo daw eh mahilig na rin sa filipino foods. Akalain mo naisip pa ni Jamie yun eh sa pilipinas ang tawag sa pusang kagaya ni Cleo eh PUSAKAL ( in long, PUSANG-KALYE).
Eto ang bagong term na umiikot sa isip ko mula kahapon. Ilang oras din akong lumibot-libot sa mga site. Click dito, click doon. Anupat makalipas ang ilang oras, pakiramdam ko nag-uulap ang paligid. Ilang oras din kasi akong nakaupo sa harap ng laptop ko kakaaral kung papaano mapapataas ang traffic ko. Hay! Ang hirap talagang kumita ng pera. Kailangan pagtuunan ko ng pansin kung paano ko didiskartehan to. Anyway, palagay ko naman eh merong naitulong ang mga natutunan ko. Palibhasa eh jologs pa ako sa sa pagba-blag kaya naman sobrang nahihirapan ako.
Maaga akong nagising dahil meron akong work ng alas otso. Si Jamie ginising ko na rin para maihanda niya ang agahan ko. Aba mahirap na magutom sa work. Di pa nman ako makahingi kahit isang basong tubig dun.
Sa hotel, ok naman. Madalang ang nagbabakasyon dahil sa masamang panahon. Dalawang kuwarto lang ang lilinisin ko. Masayang malungkot hehehe.. masaya kasi maaga akong matatapos. malungkot kasi konti ang kita . Panay panay nga ang day off ko eh .. wahehehe.. Pero kanina, imbyerna na ako sa guest sa room 1. Hmmp! Dapat maaga ako nakauwi kung hindi dahil sa kanya. Aba, nagpapatagal masyado sa pag-alis. Buti sana kung me iniwan na tip eh wala naman. At nun lumabas siya, akala ko ready to clean na un room. inalis ko ang mga bed sheet pagbalik ko nandun na nman siya. At ini-lock pa ang pinto. Nung lumabas hindi man lang nag-thank you.. Sus maryosep na ale ito. Pero pagpasok ko sa kuarto, ano itong humahalimuyak. Hindi nman pabango at sobrang sang-sang nman yata. Palagay ko eh meron diarrhea. Now I know kaya ini-lock ang pinto ( Buti nga sa kanya ).
Tuloy ang paglilinis. Palit ng kubre-kama, linis ng tasa.. at eto na , sa toilet na ako.. Anak ng teteng! Ang lababo eh napakarumi. Hanggang sa wall merong mga itim-itim gawa ng paglilinis siguro ng kamay niya. ( Alam nio na yun). At ang shower. Oo nga at hindi nagamit, ngunit parang sinadya nman niyang lagyan ng dumi ang shower basin.. Pambihira naman si ateng! Hindi na nga nakatulong eh nakaperwisyo pa! Minsan iniisip ko, alam kaya ng mga customer ang pinagdadaanan ng mga tagalinis? Parang hindi sila sensible. May mga ilang customer nman na talagang inaayos ang kuarto bago nila iwanan ngunit marami pa rin sa kanila na salaula at hindi nag-iisip minsan. Hay buhay! Kung minsan sinasadya pang dumihan ang kuarto o kalatan. Buti na lang, pasensiyosa ako. Kung hindi, sia ang paglilinisin ko ng kalat nia ( hehe joke lang ). Di bale, ilan lang nman ang mga kagaya nia. At least natapos at nagawa ko ng maayos ang trabaho ko sa araw na ito.
Today was our 6th monthsary. Wala naman bago sa araw na to. Katunayan nga eh nandito lang ako sa bahay at nagmumukmok. Ano ba nman kasi ang kelangan gawin pag ganitong monthsary. Kung nasa Pinas ako pihadong laman ako ng mall at nakikipila sa sinehan or kakain sa Jolibee. Ganun lang nman kasimple i-celebrate ang monthsary sa Pinas. Eh dito sa UK bawat kilos mo magbabayad ka ng napakamahal. Josme! Wag mo nang i-convert sa Peso at pihado baka di mo na naisin pang kumain o magkasya ka na lang sa pagbbrowse sa internet ng mga nakakatakam na pagkain.
Originally, dapat lalabas kami ni Jamie ngayon para mag-date sa isang pub di kalayuan dito. Pero kasi mula kaninang umaga hanggang sa noong matapos ang work ko eh umuulan at malakas ang hangin, nagdecide ako na mag-stay na lang sa bahay at i-save na lang nia yung pera para sa pagkain namin sa labas. Although para kay Jamie eh mas okay daw na lumabas kami para kasi nga semi-annual na ang celebration kung baga. 6 months to go na nga lang naman at isang taon na kaming kasal. Aba ang bilis din ng panahon. Biruin mo dumaan yun 6 months na paupo-upo lang si Jamie ko habang ako eh kandahirap sa pageeskoba sa hotel. Pambihira! Buti na lang at nagdesisyon na ang kapatid ni Jamie na ibenta itong bahay by the end of this month para naman makalipat na kami at tuloy makahanap ng medyo ayos namang trabaho. Nakakasawa din kasi yung trabaho ko although hindi nakakastress masyado. Pero ang kalaban mo nman eh pananakit ng mga kasu-kasuan. Ilang buwan na lang din nman at medyo mababawasan na ang oras ko sa hotel dahil sa papalapit na Autumn. Ngayon pa nga lang nararamdaman ko na ang lamig. Sobra! Nangangawit na nga ang aking kamay kaka-browse sa internet or sa Ebay ng mga winter clothes. Pano nman kasi hindi naman ako makapagshopping kapag si Jamie ang kasama ko at nabubuwsit ako. Hindi wari makitingin-tingin sa Men's section kundi susunod ng susunod sa akin na akala mo bodyguard ko. Alam mo yung feeling na nakakapressure kasi sa sulok ng mata mo eh nakikita mong paiba-iba ang timpla ng kanyang mukha dahil sa pagkainip. Ayoko nga ng ganun. Ganyan din ang nangyari sa pagpunta namin sa Liverpool. Ang daming sale dun pero hindi ko maenjoy kahit window shopping kasi parang merong timer yun ibang kasama namin. Nakakainis pag ganun diba? Kaya nung bumalik kami dito sa Wales eh panay naman ang sama ko kay Jamie pagpupunta sia sa bayan para kahit iwanan nia ako sa shope dun, eh sunduin na lang nia ako pag natapos sia sa pakay nia sa pagpunta sa doctor nia or sa kaibigan nia. Kaya mula ngaun, ganun ang gagawin ko. Ok lang kahit magbuhat ako ng 10 plastic bag ng pinamili ko at least sa bawat ngawit ng pagbubuhat ko nung mga yun kapalit nman yun pag-eenjoy ko ng pamimili. O di ba? Kung magsalita ako parang ang dami kong pera no. Once in a blue moon lang nman kami kung magpunta sa shops kaya naman ganun karami ang pinamimili. Anyway, boring ang aming celebration pero ok lang. Bukas day off ko. Kaya kelangan gabi pa lang nakaswitch off na ang mga telepono para walang manggigising ng maaga. hehehe. Babush! Type rest of the post here
Ooopss! Ilang araw na nman akong nabakante sa aking BLAG. As in BLAG! Pano ba nman kasi, nagkaroon kami ng bisita ni Jamie. Dumating yung second brother niya kasama ang baby. Siyempre pa, todo linis nman ang lola mo. Lahat yata ng gagamba sa kisame nagwelga dahil sinira ko ang mga bahay nila. At pihado ang mga langaw din eh nagrereklamo dahil sa madulas na sahig. ( Sensya na me bisita eh!) Anyways, sabi ni Jamie tumawag daw yun nanay nia at sinabi na sabihin sa akin na itigil na ang paglilinis. Masyado daw akong aligaga sa pagpe-prepare. Pati nga utak ko eh gumagana habang naglilinis. Anong kulay ng bed sheet at ilalagay, anong pagkain ang ihahanda, at kung ang kusina ba eh malinis. Naku ewan ko ba. Basta sinabi ni Jamie na merong bisitang darating di na ako mapakali. Pano ba nman ang hirap pagsabihan nitong si Jamie. Kapag nanigarilyo akala mo sumabog ang bulkang pinatubo as meron pang "Ash Fall"sa lamesa kung saan nandun ang computer nia. Eto pa, since glass table yun at panay ang Tsa-a ng lolo mo, pihadong talo pa nia si Fernando Amorsolo sa paggawa ng obra maestra mula sa bilog na marka na gawa ng kanyang tasa. Naisip ko tuloy sa sarili ko, ang hirap pala ng meron asawa. Hmmp! Kaya nman pala ang nanay ni Jamie hindi na inaalala kung marumi ba o malinis ang bahay. Linisin mo kasi ngaun, after fifty-nine seconds marumi na ulit. Idagdag mo ba ang nagkalat na balahibo ng mahal niyang pusa. Maryosep! Minsan nga sa gabi nasasamid pa ako sa balahibo ng pusa na yun. Kaya hindi na nakapagtataka na gumigising ako na wala sa mood.
Well, ayun nga, dumating na ang mag-anak. Hmm.. Ang cute cute ng kanilang baby. Sabi ko sana kami rin ni Jamie eh magkaroon na rin ng angel. Baka sakali magkaroon ng slight development kay Jamie.
Okay nman ang mag-asawa. Mukhang naimpress pa nga sila. First time daw nila makita si Jamie sa isang malinis na bahay. Huwat?!! Para sigurong smokey mountain ang dating flat ni Jamie. Hmmp! Hindi na ako magtataka. Eh maliligo nga lang yun eh akala mo merong tulo sa bubong namin. Pulo-pulo ang mga tubig sa sahig. Sus! Yun pa nman ang ayaw ko. Kasi pag gumigising ako ng madaling araw ( Half-asleep, Half-awake pa ako siyempre ) , eh nagugulat pa ako pag natapakan ko yun mga tubig. Damongkles! Parang gusto mo tuloy mapamura pero hindi nman maiintindihan kaya ang siste eh sesenyas ka na lang at magagalit ng tahimik or di kaya'y magmumura sa isip. ( Sheeeetttt!!)
Nakakapagod din palang mag-istima ng bisita. Bukod sa kuntodo luto ka at ni hindi mo na makita ang sarili mo sa salamin eh kelangan laging kang nakikipagkwentuhan sa bisita. Susme! Minsan nga nabobobo na ako at bukod sa gabi na at mejo lowbat na ako sa english word eh ang bilis pang magsalita nitong sister-in-law ni Jamie. Pero ok nman. Nagkasundo kami ng lecturan nia si Jamie. Walang tigil na lecture about the effects of cigarettes. Hahaha! Si Jamie akala mo pinukpok na suso na paminsan-minsan namumula. Tinatablan siguro. Eh ano magagawa nia, titser itong kaharap nia. Ako nman panay ang segunda pero naisip ko baka natorture namin ng husto ang utak ng honey ko. kawawa nman!
Sunday night umuwi na rin ang mag-asawa. Hay salamat at marerelax na rin. Pano kapag ganitong meron bisita eh pati pagpapakawala ng masamang hangin sa tiyan hindi ko magawa. Hehehe.. Dala ng pagiging conscious yun . Pati paglakad dahan-dahan. Kaso nun umuwi sila eh na-miss ko nman ang cute angel nila. Ang bait kasi nun bata. Ang sarap alagaan at panay lang ang laro. Kantahan mo lang ng Boom Tarat- Tarat eh humahagalpak na sa katatawa. Di bale, magkikita-kita nman kami this saturday kaya i'm sure eh makikilik ko na ulit sia. Type rest of the post here
Ang tagal ko na palang nabakante dito sa aking Talambuhayniedna blog! Ano na bang nangyari simula nun? Napunta lang ng Ireland nakalimutan na magsulat ng kung anik-anik na karanasan hehe.. Speaking of Ireland, maganda naman pala yun bansa na yun. Isang oras at kwarentaý singko minuto ang inilagi namin sa Stena Lines. At for the first time kinaya kong makatagal sa loob ng barko after ng madugong balita mula sa lumubog na barko sa Pinas after ng bagyong Frank. O kita mo, alam ko pa yun. Hehe nakatututok kaya ako sa TFC. Pero yun nga, nagbarko kami ni Jamie. Ang taray pala ng loob ng barko. As you can do anything you want. At my maliit na shop pa inside. Bonggacious naman pala sabi ko kay Jamie. Marami ring kainan sa loob at meron ilan na umiinom sa Bar sa loob. Panay naman siempre ang panalangin ko na walang masamang panahon kaming makasalubong. Dangan kasi nun umalis kami sa Cemaes eh mejo makulimlim na akala mo nagbabadya ng masamang unos. Anyways, eto na parating na kami ng Ireland. Panay ang kuha ko ng pictures na akala mo nman professional photographer nman ako at lahat ng anggulo eh kinuhanan ko. Ang problema kasi since si Jamie hindi mahilig sa picture eh nahihiya akong kalabitin at sabihin picturan ako. So nagtiyaga ako kakapicture pati ng bula mula sa papadaong na barko. Josme!
Eto na kami,palabas na kami ng barko at nakakagulat namang meron din palang Immigration Officers na nagchecheck dito. Kinabahan ako pero siempre sabi nga stay put ka lang jan. Dala ko nman ang passport ko. Ang hindi ko sigurado eh kung kailangan pa ng visa sa pagpunta dito. Hinarang na ako siempre pero tiningnan ko si Jamie para saklolohan ako. Sabi ko siya na ang makipag-usap para mas maliwanag. Pinaupo ako sa isang maliit na opis malapit sa line ng mga lumalabas na passenger. Naisip ko dito ko pa idinayo ang kahihiyan hehe... So kinambatan ako ni Jamie at sinabi sa akin na kailangan naming bumalik ng UK. Nakakahinayang nman sabi ko sa isip-isip ko kasi nagbayad pa kami tapos mapupunta lang pala sa wala. Ang problema kasi bakit hindi nman kami hinarang dun sa Holyhead pa lang kung hindi pwedeng magtravel ng walang Bisa noh! Maya-maya lumapit yun isang officer at sabi sa akin, "I should have confiscated your passport and stamped refused but i won't do that. " sabay tingin kay Jamie, "You'll take charge! since its only a day trip i'll allow you enter the country but don't tell anyone". Wagi and beauty ng lola! So at last nakatapak na ako sa Ireland. Huminga muna ako ng malalim at sinamyo ang hanging Ireland!
Punta muna kami ni jamie sa shopping mall bago kami tumuloy sa train station papuntang dublin. Parang sobrang laking city ng Dublin sa pakiwari ko. Basta ang alam ko eh ipinaubaya ko ang direksyon kay Jamie kasi wala naman akong alam dun. Pero kung biyaheng Sangitan or palengke to eh malabo ko ipagkatiwala ke Jamie. Pagdating namin sa train station sakay kami agad. Wala sa isip ko na mali pala ang direksyon na nasakyan namin, Malay ko ba .. Eto naman kasing si Jamie hindi nagtanong. So anong nangyari, naghintay ever kami ng biyaheng bus papuntang Dublin. Meron nman akong mga nakikitang Pinay sa kaso ang susuplada. Meron ilan na ngumingiti at yun isa nakachikahan ko. Kinumpirma nung ale yun mga suplada/supladong pinoy dun. Okay naman ang biyahe kasi parang naubos ang oras namin kakatanga sa paghihintay ng bus. Sobrang dalang nman ng bus na dumadaan. Daig ko pa ang nasa Castaneda na nag-aabang ng Byaheng Cabanatuan. After 1:30 hours siguro meron dumaan na bus pero hindi pa pala yun yung biyahe na hinihintay namin. Maryosep! Buti na lang idinala kami nun driver sa place na maraming bus na dumadaan.
Pagdating namin ng Dublin, kumain lang kami sa Mcdonalds na sobrang mahal at umuwi na rin. Ang galing ng experience hehe! Bumalik kami sa Dun Laoghaire at tuloy dun na kami nag-ikot bago sa takdang oras ng pagbalik namin sa Cemaes. Naisip ko na-miss ko kaagad ang aking bagong tirahan hehe. Bago mag-alas nwebe ng gabi eh nakabalik na kami dito sa bahay. Neg-enjoy nman ako. Nakita ako ni Jamie na malungkot nun pabalik na kami kaya sabi nia tara sa shop ( inside Stena Lines ) at yun binilhan niya ako ng bagong gift. Pagbalik namin masaya na ako siyempre. Nakakapagod lang pero naenjoy ko nman pati ang pagkaligaw namin!
After ng birthday ko kasunod na occasion na pinuntahan namin at ang graduation nitong aking sister-in-law. Nakakagulat ang graduation nila dito Super konte ng graduates. At mga magulang lang ang nakapasok sa ceremony. Kami ni Jamie eh nanonood lang sa malaking screen. Auditorium yata nila yun eh at feeling ko nasa sinehan ako.
Balik work ako pagkatapos ng mga okasyon ng July. Ngayon puro trabaho naman ako. Ang hirap ngayon kasi summer na at maraming guests sa Hotel kaya doble ang mga room na nililinis ko ngayon. Hay buhay OFW talagang mahirap kumita ng pera.
Finally, I had my 3 days off. Pero sinong magsasabi ng hindi ako halos nag-day off?? Hindi dahil nag general cleaning ako dito sa bahay. Kundi dahil sa picture na nakikita niyo. Lol! Birthday gift daw ni Jamie para sa akin to. Pero yun accesories eh binayaran ko. Maryosep! Muntik na ako mawalan ng gana bilhin. Pero worth it pala. As of the moment eh iniinda ko pa ang sakit ng aking katawan. Lol. Pano kasi gumagana yata ang lahat ng masel ko sa paglalaro nitong game console na to. Tennis,baseball, bowling, car race, golf, lahat yan eh ginawa ako in one day. Ibilang mo pa ang Ratatouie na kinagigiliwan ko. Nakakafrustrate minsan pag hindi ka makaalis sa level. alam mo yun feeling na dahil sa kabado ka na mag-game over eh napipintod mo ng madiin un controller? Lol! Ganyan ang nangyari sa akin. Mejo namamaga pa nga ng konti ang aking hinlalaki. Ang tulog, alas dos ng madaling araw. Hehehe.. Addict nga noh? Nakakawili rin. At for the first time eh pinagpawisan ako dahil lang sa paglalaro ng Wii. At least ngayon meron na ako mapaglilibangan pag-uwi ko galing ng trabaho. O di ba? Type rest of the post here
I had to prepare early today for my duty. Hmmm.. Ini-expect ko na na maraming akong gagawin sa araw na to. At nasabi ko rin yun kay Jamie. Pero medyo nalula ako sa dami ng nilinis kong kuwarto. Or should I say, Lahat ng kuwarto nilinis ko. Ang problema, yung ibang guests na umokupa ng rooms nakakapagpakulo ng dugo. Hindi siguro nalalaman ng mga taong ito kung ano ang ginagawa ng mga chamber maid na kagaya ko. Pambihira! Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin hehe... Ano ba ang meron sa araw na to at mukhang nung magsabog ng swerte si Lord eh nasapo ko yung pagiging swerte sa sa dami ng lilinisin. Imagine, yung isang kuarto kung na lang sinadyang isabog ang buhangin sa buong kuarto. Grabe talaga. Nag-start ako maglinis 8:30 at 1:45 na ako ng hapon nagtapos. Sus! kinailangan ko pang ihoover ng dalawang beses yun kuarto na yun para lang malinis ko ng mabuti. Yung isang kuart naman mukhang galante. Meron isang bottle ng wine at 5 pounds na nakalagay sa mesa. Malay ko kung kanino yun, eh di sinoli ko sa may-ari all though alam ko naman na tip talaga yun. Kaso hinihintay ko nga sana na ibigay sa akin nun may-ari kaso hindi ibinigay. Sayang! Pera na naging bato pa! At eto na nga, bumalik na ako sa kuwarto na yun para ituloy ang paglilinis. Sa wari ko baý bayad yun sa maglilinis dahil me plema para sa shower room at sa sink! Anak ng tokwa naman!Pag minamalas ka nga naman.. Diretso linis. Maya-maya pa talagang pagod at tuyo na ang lalamunan ko sa paglilinis. At katulad ng mga nakaraang araw super madali ako sa pagtapos ng trabaho. Salamat na lang natapos ko na. Pero isipin ko pa lang na babalik ako ng alas siete ng gabi eh napapagod na ako. Iniisip ko tuloy sana walang customer! Eh pano naman kasi nung nakaraang linggo, napakaraming customer. Nalito lito ako at wari ko ba eh pag nagserve ako eh matatapos or madadapa ako. Bakit naman kasi ipinapainit pa yun plato eh. Mainit na nman yun pagkain .. Salamat na lang at hindi ganun kabisi ang hotel. Umpisahan at ihinto ko yun trabaho kanina. Pano mag-start ako magplantsa mamaya-maya nagbago na naman un isip ng may-ari. Nahihilo tuloy ako sa kanya. Ok pa naman sanang mamalantsa hehe.. Mejo madali lang kasi puro punda lang ang nakatoka sa akin at si Jeanette ang nagpaplantsa ng mga quilts. Weee! Kasalanan yun nung mga bagong dating kasi dahil sa kanila eh inihinto namin ang pamamalantsa. Abala noh?!
Chat! Chat! Chat! In between serving and preparing foods eh nagchichikahan kaming tatlo ni Jeanette and Kath. Mejo ayos nman ang buong araw ko dahil himala yatang hindi stress yung matanda. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw eh magiliw at nakikipagkwentuhan siya sa akin. Pero Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw eh ako lang ang nagttrabaho ng mabibigat na trabaho. Hmmmm.... Siguro ayaw ng iba ang paglilinis kaya tuloy ako ang pinagttyagaan nia. Natatandaan ko nga sabi niya sa asawa niya wag daw ako i-upset. Hehe Kasi nga naman pag nagback out ako eh wala na silang maganda at masipag na worker. ( ooopsss! sori ayaw ko magbuhat ng bangko!). Marami rin kaming napagkwentuhan at paminsan-minsan natutuwa ako sa mag-ina kasi mukhang napaka-close nila. Panay ang biruan nila. Naalala ko tuloy si nanay kasi minsan madalas kami mag-away nun. Pero love ko yun siempre, talaga lang suplada ako lalo na pag nakukulitan ako.. :p Bugnutin kasi ako! Isa pa theres no way na ikumpara ko kami ni nanay sa mag-ina sa harapan ko kasi sila mejo maluwag sa buhay eh kami nun, bata pa lang iniiwan na kami ni nanay para kumayod ng pangtawid gutom sa mga susunod na araw. Kaya yun siguro ang dahilan ng mejo malayo kong loob sa kanila. Nasanay ako na mag-isa at malayo sa kanila. Pero sa totoo lang, nakatulong yun. Kasi kung hidni nila ako sinanay, hindi malakas ang loob ko at matapang na pupunta at makikipagsapalaran sa ibang bansa. Kita mo nga ngayon, pa-english english na lang ako hehehe.. hmmp! Pag-uwi panigurado hindi na matigas ang dila ko sa pag-eenglish...
Sa sobrang pagod ko sa mga nakaraang araw, tinanghali ako ng gising. Buti na lang day-off ko ngayon. Ano nga ba ang pwede kong magawa? Kanina lang kausap ko yung kaibigan ko na nasa Pinas. Si Jasmin. Matagal-tagal din kaming hindi nakapagchikahan nito. Dangan kasi palaging busy sa work niya. Naitanong ko tuloy sa kanya bago matapos ang tsikahan namin kung kelan ang kasal. Naiinip na kasi kami kung kelan niya balak lumagay sa magulo. Hehehe.. Mas nauna pa siyang magplano kesa sa amin ni lou pero nauna pa kaming makasal. Pambihira itong si Jas oo. Kelan kaya matutuloy ang plano nila? Bilang pagwawakas ng aming kumustahan, minabuti kong sabihin na balitaan ako kung kelan matutuloy ang kasal. Meron na kasing date dati eh, Yung nga lang di sinai kung anong year??!!! wahehehe Malay ko bang unidentified pa yun. :p
Panay ang browse ko sa internet kung ano ang pwedeng maipangregalo kay Jamie. Mag-3 months na kasi kaming kasal at dumating na ang surprise nia sa akin. Ano pa kundi SKECHERS. Palagi akong nireregaluhan nito ng sapatos. Minsan naiisip ko mukha ba akong paa?? ( Joke) Sabi nila kapag daw noong bata ka eh hindi mo nararanasan magkaroon ng bagong sapatos o bagong damit, ang tendency pag nagkaroon ka na ng pera , puro yun ang bibilhin mo. Palagay ko mekatotohanan ang bagay na to. Kasi natatandaan ko noong bata pa ako, lagi ako binibilhan ni nanay ng sapatos na bagama't bago eh bago matapos ang isang buwan nakangiti na ito dulot ng pagkabasa o palagiang paggamit dito. Ang kasunod na bibilhin ni nanay eh isang bote ng rugby para maibalik ito sa pagkakadikit. Natatandaan ko pa nung minsang humiram si nanay ng sapatos sa kanyang kumare at nakita ng may-ari na suot ko ito, halos ikahiya ko ng sabihin niyang sapatos niya yun. Mula nun, tumatak sa isip ko na paglaki ko at nagkapera ako, bibili ako ng sapatos na mas mahal pa sa sapatos niya. Ano bang ipinagpuputok ng butse niya eh yung sapatos naman niya eh hindi na kasya sa kanya at luma na? Minsan naisip ko, sadyang may mga taong masasama ang ugali at maramot sa kapwa.
Bago ako umalis ng Pinas noong nakaraang taon, ipinamigay ko ang mga sapatos na alam ko naman hindi ko madadala. Ilan dito ay mga bago pa at binili ko na gawa sa balat at sa mahal na halaga. maging ang iba kong damit at bag at ipinamigay ko na rin. Alam ko naman kasi na pagdating ko rito ay hindi ako pababayaan ni Jamie na hindi magkaroon muli ng mga ganong bagay. At hindi nga ak nagkamali. Nang dumating ako dito, binilhan ako nga aking mother in law ng napakaraming damit at cardigans na magagamit ko sa panahon ng taglamig. Si Jamie nman binilhan ako ng ilang sapatos na gustong-gusto ko. Maging ang mga kapatid ni Jamie ay naging maaruga sa akin. Kaya tama un kasabihan, pag merong nawala , mas maraming bumabalik. Sa simpleng pamimigay ng mga gamit ko mula sa Pinas, napalitan naman ito with matching di mo maipagpapalit ng kapamilya. O di ba?
Ilang araw din akong nagpahinga sa pagba-blogging. Aba, hectic daw ang schedule ko. Tulad ng nabanggit ko sa isa kong blog (Life Away From Home), tuloy-tuloy ang schedule ko mula noong thursday. Ang hirap pala pag diretso ang trabaho mo. Wala ako halos pahinga. At mantakin mo, pag natulog ako parang naidlip lang ako. Tapos gising na naman ng maaga. Minsan pa, two times a day ang schedule na ibinibigay sa akin. Walang problema kasi mas malaki ang magiging sahod ko. Pero hindi pala ganun kadali lang ang pagtatrabaho. Ubos na ubos ang adrenalin ko sa pagtapos ng paglilinis. Puspusan kasi merong time pressure. Tsk Tsk! Halos madapa ako pag naglilinis ako. Para akong ipo-ipo pero minsan pag sobrang na-pressure ko yung lakas ko sa paglilinis nahihilo ako. Di ko naman siyempre masabi na magpapahinga muna ako kasi oras ang binabayaran sa akin.Kaya ang pinakamabuti kong gawin eh bilisan ang trabaho. Hindi rin pwede na magbagal kasi ichecheck nang may-ari kung ano na ang natapos ko. Ayoko naman siyempre na meron silang masabing hindi maganda sa akin no. Kasiraan sa pinoy yun hehehe... Kailangan ma-maintain ko yun image ng pinoy eh masipag at profesional hehe... Ang taray no!
Unang araw kong mag-duty sa gabi. Bago mag 7:00 Pm eh nandun na ako sa Hotel. Nadatnan ko yung apo ng may-ari at yung anak niya. Nakakatuwa sila. First time ko makita un may-ari na tumatawa at hindi serious. Imagine, mula nung mag-umpisa ako dun eh palaging straight at serious ang mukha nun pag nag-uutos sa akin. Pero not this time. Medyo nakikipagbiruan siya sa amin. Hindi nman kasi gaanong busy yung gabi na yun kaya nakuha ko pang makipagchikahan sa anak niya. More or less smooth yun unang gabi ng pagwe-waitress ko. Sana ganito lagi.
Second night ng pagwa-waitress ko medyo na-pressure ako. Apat kaming katulong ng may-ari sa kusina. Siyempre pa, wala akong gagawin kundi mag-serve at kumuha ng order. Minsan naman maglinis ng table para sa mga susunod na kakain or iinom . Naku natorete ako. Isipin mo na lang un 25 na Briton nagsasalita ng sabay-sabay with different accent and sland nakupo! Akala ko hihimatyin ako sa gitna ng Dining Area. Pakiramdam ko nangapal yung mukha ko at pulang-pula ako dahil sa hiya. Pano kasi, medyo ninerbyos ako tapos nanginginig ako pag nagserve. Eh pano kung naitapon ko yung order? Patay ako sa amo ko! hehe Yung sinasabi ng iba hindi ko alam. Tinatawag ko un kasama ko para sia ang kumuha ng order. Bakit naman kasi inilagay ako sa pagwwaiter eh meron ngang language barrier no? Grabe talaga! Pakiramdam ko nagbuhol-buhol yung utak ko sa pagttranslate ng mga salita. Wahaha! Pag naman wala pang order panay naman ang tawag sa akin ng amo ko at tingnan ko raw kng tapos nang kumain ung mga nasa table. Eh siyempre., kung ako ang customer ayoko mapressure sa pagkain. Kung panay ang aligid ko at tanong kung tapos na sila. Pambihira! Baka iwanan ko yung resto kung ganun sila. Pero dito iba. Kailangan masanay ako sa ganun. Isa pa feeling ko ba eh para na akong clown. Naka-fix yung ngiti ko sa mga customer. Panay naman ang hingi ko ng paumanhin sa ibang customer at sinasabi ko na tine-train pa lang ako at di ko pa kabisado. Okay nman sila. Mababait naman kasi ang mga Briton. Kaiba sa mga naririnig ko. Pero meron sigurong iba na talagang medyo merong kasungitan.
"You've done really well so far..."Yan yung sinabi ng isang customer. Crush cguro ako nun hehe.. Panay kasi ang tingin .. O siguro inaadmire lang yung kulay ko. Iba talaga ang karisma ng lola mo. Balik ako sa kusina after ko magserve at maglinis. Yung isang kasama ko panay ang turo sa akin pero ang bilis ng salita. okay na lang ako ng okay. Minsan yun kumpas na lang ng kamay ang sinusundan ko. Cutlery ang tawag sa mga vinegar at ibang gma sauce na kalagay sa basket. Malay ko bang yun pala yun. Kelangan gumana talaga ang utak ko dito or else magmumukha akong boba. Ang bilis ng mga pangyayari. Nung icheck ko ang relo ko alas nuwebe na pala. Nakita ko si Tasha. Napansin ko mula nung dumating ng 7PM eh nakababad na ang kamay kakahugas ng pinggan. Pag naman tutulungan ko na, tatawagin na naman ako ng manager at nung isang kasama ko para icheck un dining area. Anak ng tokwa oo.. Lukot-lukot na yun daliri nun isang worker kakahugas ng pinggan dala ng pagkababad sa tubig. Kaya nung tingin ko hindi na ako gaanong kailangan sa pagseserve, humalili ako sa paghuhugas ng plato. Kawawa naman. Ganda pa naman ng ayos eh. Nag-eyeliner pa naman ng makapal at gumamit ng mascara tapos 3 hours palang maghuhugas ng plato. Meron pang hikaw sa pusod yun ha. Nahiya nga ako ng konti eh, parang ako lang ang walang hikaw sa pusod hahaha... Tapos pag nagsalita yun manager, sumasagot ang mga loka. Buti na lang mabait ako at hindi ako ganun. Manager yung kausap ha, pag sinigawan sila or pinansin, lumalaban sila. Kakaiba! Sabi ko sa sarili ko, kung anak ko to, dumugo na ang nguso. Pero lahat yata ng kabataan dito ganun. Nung mag-ten PM na, umuwi na kami. Sinabayan ako ni Kirsty pauwi. Tapos nagsintimyento ng konti hehe. Naintindihan naman niya ako, wag lang pagtalikod ko eh iba ang sinabi. Lol
7:00 am today, gising na ako. Ayoko pang bumangon pero inisip ko na lang bukas pahinga ko. Kailangan matapos ko yung araw na to ng maayos. Pagpasok ko, tulad ng dati diretso ako sa paglilinis although merong ilan na kumakain. Naglinis din ako ng mga mesa at nagserve ng food pero nung naglilinis ako natapos yun natirang kape sa blouse ko.Hayaan mo na nga, tutal maglilinis din naman ako marurumihan din to. Kaya naman nung dumating yung isang kasama ko tinulungan ko na maglinis ng mga kuwarto. Bago lang sia kaya medyo mabagal. Sabi ko sa kanya take time para makagawa siya ng strategy niya kung papano mapapadali ang paglilinis niya kasi hindi sa lahat ng oras eh meron siyang kasama sa paglilinis. Gaya ko, nung nag-umpisa ako palagi akong mag-isa. Maswerte nga sia eh kasi meron siyana katulong nun nag-start siya. Ni-remind ko na lang siya sa mga dapat niyang pagtuunan ng pansin.
Pagkauwi ko parang sabik na sabik ako sa kama haha.. Kasi pwede na akong matulog ng hindi nagwoworry na male-late sa work. Hmmm sarap talagang matulog lalo na kapag pagod na pagod! After 2-3 hours, nagring ang phone. Sabi ko sa sarili ko "I hope its not Cath". Chineck ni Jamie kung sino ang tumawag. And guess what? Its Cath! Waaaaaa!! Kelangan ko mag-duty tomorrow. Pambihira naman, sinabik lang pala ako sa day-off ko. Yun pala duduty din pala ako.
O siya, eh di duty kung duty. I need sleeping tablet para makatulog nang maaga ngayon kundi siguradong lumilipad na naman ang utak ko bukas. Ciao!
Ang bilis ng panahon. 10 years ago nang una akong mapadpad sa syudad. Laking probinsiya ako mula sa bayan ng Castaneda. Noong una, natatakot akong mapunta sa syudad. Kasi nga iba ang mga tao dito kumpara sa nakalakhan ko na simple lamang ang pamumuhay. Hanggang sa makatapos ako ng hayskul at magpasyang mag-enrol sa Cabanatuan.
Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa akin sa Cabanatuan?
Nag-enrol ako sa College taong 1998. Dahil sa Cabanatuan nag-aaral ang mga nakatatanda kong kapatid, nagpasya ang aking mga magulang na doon na rin ako papag-aralin para kapag dadalawin kami ng parents namin eh isa na lang ang pupuntahan. Isa pa, mas gusto nila na sama-sama kami para kapag merong problema kami na ang magtutulungan. Tutal nandun ang panganay namin, anytime na magkaaberya ayun lang ang opisina.
Parumog St. dito kami tumirang magkakapatid mula college hanggang sa makatapos kami. Ano nga ba ang espesyal sa lugar na ito? Ahhh... marami! Bukod sa ito ang naging una kong tahanan. Dito ako natuto ng lahat sa buhay. Natutong magind independent, makisama, mga gawaing-bahay, makipagkapwa-tao at marami pang iba. Masasabi kong hindi lang sa akin naging importante ang lugar na ito kundi maging sa akin mga kaibigan at mga kaibigan ng mga kuya ko. Akala ko noon pag nag-college ako magiging mas seryoso ako sa pag-aaral ko. Akala ko katapusan na ng maliligayang araw ng pakikipagkaibigan. Alam mo na? Sabi kasi ng titser ko noon ang pinakamasayang stage daw sa buhay ng tao ay ang hayskul. Kasi dito daw mararanasan ang lahat ng UNA. Pero sa tingin ko, wala ng mas sasaya sa buhay-college ko.
Bakit nga ba? Dito ko kasi nakilala ang mga kaibigan ko na magpahanggang ngayon ay nakakausap ko. Sinong makakapagsabi na tatagal kami ng ganito katagal? Nung una kaming magkakitaan, First year college ako noon. Takot akong makipag-usap sa kanila kasi baka pagtawanan nila ako. Bukod sa ikinahihiya ko ang kutis-magsasaka ko eh hindi kagandahan ang mga damit ko. Pero hindi naging hadlang yun para magkakila-kilala kami. Si Ria, Imelda,Luz,Allyn,Tina,Jean,Estee at ako. Magkakaklase kami nun sa Kursong Komersiya. At sa pagtakbo ng panahon kahit na magkakaiba kami ng hilig at tipo sa lahat ng bagay, naging close friends kaming walo. Hanggang sa napagdesisyunan ko na magshift ng Accountancy, nakiayon sila sa desisyon ng ilan sa amin. Walo kaming nagshift ng kurso! Natatandaan ko pa nga eh nagulat si sir Bobadilla, sir Marzan, mam Manubay at yung registrar namin dahil nagsusumiksik kami sa Accountancy.
"Aba mga hija, mag-isip isip kayo dahil ang mga Accountancy nga eh nagshi-shift sa Commerce kayo naman magshi-shift sa Accountancy? Nilalagnat ba kayo? Mahirap ang Accountancy.. Pag-isipan niyo muna... "
Pero mapilit kami. Walo kaming nagsabi na "Opo, gusto po namin mag-shift"at sabay kuha ng pare-parehas na schedule.
Ganun kami parati. Kapag parating na ang pagtatapos ng Sem, naka-schedule na kaagad kung kelan kami sabay-sabay na mag-eenroll para makuha namin un parehas na schedule at tuloy hindi kami magkahiwa-hiwalay. Nakakatuwang balikan pero naisip ko ngayon, ganun pala namin inaalala ang isa't-isa. Iilan lamang ang makikilala nating mga totoong kaibigan. At sabi nila, kapag nahanap mo yun, isa ka sa pinakamaswerteng pinagpala na magkaroon. Meron kasing iba na pinipili na lang ang mapag-isa or karaniwan na inilalayo ang sarili sa iba. Hindi kami yun! Magkakasama kami kahit sa anumang laban. Minsan nga nag-aaway away kami eh . Siyempre kampihan pero hindi namin pinalalagpas ang araw na hindi nareresolba ang problema. Naroong magkulong kami sa isang bakanteng room at dun kami magoopen-forum at mag-iiyakan. Pagkatapos nun ayos na kami. Balik sa normal na gawi.
Second year college yata kami nung turuan ko silang uminom. Nakakatuwa, kasi nga mga lalaki ang kuya ko, minsang umuwi ako ng late dahil sa swimming namin sa Villariza, sta. rosa. Nadatnan ko yun panganay namin na umiinom kasama yung kaibigan niya. Nakasalampak sa papag habang naghahalo ng Lime Juice at yun Gin. Nakalimutan ko na kung anong brand nun. At pagtapos nung maturuan ako, eh ung mga kaibigan ko naman ang tinuruan ko. Meron pa ngang Lambanog nun eh. Paborito namin eh yung bubble gum flavor.
Dun sa bubong sa Parumog, dun kami madalas tumambay. Pag nalasing kadalasan tumatawag ng uwak ( Nagsusuka ) or minsan pag nagkalasingan naroong nag-iiyakan dala ng mga problema sa pamilya at sa mga kasintahan nila. Nung una nga kaming malasing nun eh umiiyak si Jean at si Mhel. At ang nakakatawa dahil taob na ang mga bote ng alak eh nagco-contribution pa yung dalawa para bumili ng isa pang bote ng alak. Pambihira talaga tong dalawa na ito. At pagkatapos ng mahaba at nakalalasing na inuman session, isa ako sa taga-alalay sa kanila. Feeling superhero ako sa paglilinis ng mga kalat at pag-aalalay sa kanila. At ganun din naman sila siyempre sa akin. Lalo kay Ria at Estee na palagi nang present sa mga ganitong sitwasyon.
Minsan, nagkayayaan kaming mag-inuman. Present ang lahat kasi tuwing sasapit ang Christmas Vacation eh isa ang grupo namin sa nag-eexchange gift. O diba? Barbeque at Spaghetti ang handa namin. At sa Bubong sa Parumog, naka-ready ang mga unan at kumot panglaban sa hamog kapag kami ay inumaga. Eh present pa nga dun un isa nga mga gift na natanggap ko sa kanila nun eh. Yun Tweety bird na pillow. Ang kaso nun inuman session na, nagback out na silang lahat. Tatlo na lang kaming natira na animoý uhaw sa alak. Tatlong bote ng Lambanog at Bubbe Gum flavor pa man din ang pinagtig-i- tig-isahan namin nina Ria, Luz at ako. Aba natural wala pang isang oras naubos agad ang natitira naming katinuan. Haha.. At bilang pruweba, itong si Estee kinuhanan pa kami ng picture. Nakakahiya ang mga pose namin dun. Ayon kay Estee eh nakatago naman daw yun hanggang ngayon. Pero lagi namin sinasabi na "utang na loob Estee, wag mong ipakita sa iba at baka isipin mga Adik kami..."hehehe.. Nakakahiya talaga pero masaya naman. Kasalanan ni Allyn at Mhel kasi masakit daw ang tiyan at ano pa yun isa.? Si Jean naman hindi nakapag-paalam sa Daddy niya.
Magkakasama kami sa lahat ng bagay. Sa kopyahan sa exams, sa mga tour, mga project, inuman at sa mga get away lahat present. Ilang taon ang lumipas habang tumatagal, lalo kaming tumitibay. May ibang nasasaktan at nagagalit pero natututong magpatawad. Ganyan kami hinubog ng panahon sa aming samahan.
Lumipas pa ang ilang taon, Nakilala na namin si Jasmin. Transferee siya nun galing ng CLSU. At isa ang grupo namin sa naging kalapit niya. Paano kasi sa grupo namin makikita niya lahat ng ugali. Masayahin, madaldal at palaban. At siyempre hindi rin naman kami grupo ng mga bobo dahil kahit papano eh marunong naman kaming magreview. Yun nga lang sadya nga lang na hindi kami madamot pagdating sa kopyahan.
Graduation na! Isa ito sa pinakamalungkot na parte ng aming pagkakaibigan. Mamimiss na namin yung araw-araw kaming magkakasama mula lunes hanggang sabado. Yung pagtambay sa tree house o sa steel house na kadalasan binibuhat namin bago matapos ang sem at inililipat sa ibang lugar. Mamimiss namin yung pag iilan lang kami sa klase, kakausapin namin yung aming Teacher at sasabihin bukas na lang ang discussion at pauwiin na kami para makalibot sa Mega Center or sa Pacific para lang magwindow shopping, mag-arcade, magvideo oke or minsan naman manood ng sine. Pag merong mga ka-eyeball, magkakasama rin kami. Naroong malito yun talagang me ka-eyeball dahil sinasadya namin na maghiwa-hiwalay or worst, ipinapain kami sa eyeball. ( si luz at ako ang tinutukoy ko ). Nangyari kasi minsan yun nung INTRAM. SI Jean pala eh may ka-radyo nun. At napagkasunduan nilang mag-eyeball. Kami ni Luz ang naipain. At habang takot na takot kami sa pagtakbo, nakatago at tawa ng tawa nman itong si Jean at si Janice. Kinabahan tuloy kami ni Luz dahil animoý nasa pelikula kami na hinahabol ng mga Goons. Lol! Minsan naman makipag eyeball itong si Allyn, nung makita na yung ka-eyeball, di namin mapigil tumawa. Kasi nga nasa harap kami ng Jolibee nun, pagtapos un ka-eyeball mga ilang metro lang ang layo sa amin at nakaupo sa tabi ng Fountain sa Megacenter. Itong pobre eh tumatawag na sa mobile ni Allyn para ipaalam na nandun na siya. Yung mobile ni Allyn nilapag nia sa mesa habang panay ang vibrate at nagtuturuan sila ni Luz kung sino ang sasagot. Hay buhay! Tawa kami ng tawa. Ano't ng matapos ang pakikipag-eyeball nasabi ni Luz "Amoy gatas siya ng kalabaw!". Ang taray ng lola mo.. Siyempre mga comedy moments yun na hinding hindi mo malilimutan. Meron pa ngang nangyari, nagpapicture kami sa studio. At nang makuha na namin ang picture, itong si Imelda nailaglag ang kopya niya sa tapat ng Technology Building. Nung dumating si yung kuya ko, nagulat pa ako ng sabihin sa akin, "Oy, kunin mo nga yun picture niyo dun sa Billboard sa Tech. Building. Nakapaskil dun! Bago pagkagukuhan.."Akala ko naman, pagkakaguluhan dahil magaganda kami, Malay ko bang meron nag-comment na mga mukha daw kaming bading. Hagalpakan kami sa katatawa. Hindi namin mapigil si Imelda kakatawa.
Nung unang magkaboyfriend si Ria, sa Tree House, dun namin siya sinamahan para sa unang date niya. Sinong mag-aakala na ako pa pala ang magiging tulay para makilala niya ang mapapangasawa niya?
Ngayon, magkakalayo na kami. Kadalasan, online na lang kami nakakapag-usap o di naman kaya sa tawag. Nakaka-miss sila! Kahit na ilang taon ang lumipas, siguro di namin makakalimutan ang isa't isa. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi gaya ng dati, isang text lang nandiyan na sila. O kaya tuwing alas sais nagriring na ang phone namin dahil si ria ay makikibalita. Kapag may lakad kami nandiyan si Luz or si Estee na sumusundo sa amin para sa pupuntahan namin. Si Jasmin na flexible employee. Magset ka ng date ng lakad at walang imposible. Ganun din si Allyn na always present! Si Tina na ngunit malalapit lang daw ang mga bahay namin kaya hindi siya makasama sa lakad. Si Imelda na mahilig sa swimming sa Neri's Resort. Or si Jean na palagi na lang nakakalimutan magpaalam sa Daddy niya. Hay kahit ganyan sila, namimiss ko pa rin sila. Wala kaming masamang tinapay sa isa't isa although minsan nagkakatampuhan talaga. Pero walang tatalo sa aming samahan. Si Jean nasa Abu Dhabi na ngayon. Si Allyn nasa Canada. Si Tina nasa Israel at plano nang magbakasyon. Ako nandito na rin sa UK kasama ng aking asawa. Si Luz meron narin asawa. Si Imelda, meron nang pangananay, si Jas stable na sa work at soon to get married, si estee still single pa rin and planning to work abroad at si Ria na masaya na rin sa buhay may-asawa. Iba-iba ang narating namin and proud ako sa bawat isa amin! Go girls! See you sa next vacation ko!