Today was our 6th monthsary. Wala naman bago sa araw na to. Katunayan nga eh nandito lang ako sa bahay at nagmumukmok. Ano ba nman kasi ang kelangan gawin pag ganitong monthsary. Kung nasa Pinas ako pihadong laman ako ng mall at nakikipila sa sinehan or kakain sa Jolibee. Ganun lang nman kasimple i-celebrate ang monthsary sa Pinas. Eh dito sa UK bawat kilos mo magbabayad ka ng napakamahal. Josme! Wag mo nang i-convert sa Peso at pihado baka di mo na naisin pang kumain o magkasya ka na lang sa pagbbrowse sa internet ng mga nakakatakam na pagkain.
Originally, dapat lalabas kami ni Jamie ngayon para mag-date sa isang pub di kalayuan dito. Pero kasi mula kaninang umaga hanggang sa noong matapos ang work ko eh umuulan at malakas ang hangin, nagdecide ako na mag-stay na lang sa bahay at i-save na lang nia yung pera para sa pagkain namin sa labas. Although para kay Jamie eh mas okay daw na lumabas kami para kasi nga semi-annual na ang celebration kung baga. 6 months to go na nga lang naman at isang taon na kaming kasal. Aba ang bilis din ng panahon. Biruin mo dumaan yun 6 months na paupo-upo lang si Jamie ko habang ako eh kandahirap sa pageeskoba sa hotel. Pambihira! Buti na lang at nagdesisyon na ang kapatid ni Jamie na ibenta itong bahay by the end of this month para naman makalipat na kami at tuloy makahanap ng medyo ayos namang trabaho. Nakakasawa din kasi yung trabaho ko although hindi nakakastress masyado. Pero ang kalaban mo nman eh pananakit ng mga kasu-kasuan. Ilang buwan na lang din nman at medyo mababawasan na ang oras ko sa hotel dahil sa papalapit na Autumn. Ngayon pa nga lang nararamdaman ko na ang lamig. Sobra! Nangangawit na nga ang aking kamay kaka-browse sa internet or sa Ebay ng mga winter clothes. Pano nman kasi hindi naman ako makapagshopping kapag si Jamie ang kasama ko at nabubuwsit ako. Hindi wari makitingin-tingin sa Men's section kundi susunod ng susunod sa akin na akala mo bodyguard ko. Alam mo yung feeling na nakakapressure kasi sa sulok ng mata mo eh nakikita mong paiba-iba ang timpla ng kanyang mukha dahil sa pagkainip. Ayoko nga ng ganun. Ganyan din ang nangyari sa pagpunta namin sa Liverpool. Ang daming sale dun pero hindi ko maenjoy kahit window shopping kasi parang merong timer yun ibang kasama namin. Nakakainis pag ganun diba? Kaya nung bumalik kami dito sa Wales eh panay naman ang sama ko kay Jamie pagpupunta sia sa bayan para kahit iwanan nia ako sa shope dun, eh sunduin na lang nia ako pag natapos sia sa pakay nia sa pagpunta sa doctor nia or sa kaibigan nia. Kaya mula ngaun, ganun ang gagawin ko. Ok lang kahit magbuhat ako ng 10 plastic bag ng pinamili ko at least sa bawat ngawit ng pagbubuhat ko nung mga yun kapalit nman yun pag-eenjoy ko ng pamimili. O di ba? Kung magsalita ako parang ang dami kong pera no. Once in a blue moon lang nman kami kung magpunta sa shops kaya naman ganun karami ang pinamimili. Anyway, boring ang aming celebration pero ok lang. Bukas day off ko. Kaya kelangan gabi pa lang nakaswitch off na ang mga telepono para walang manggigising ng maaga. hehehe. Babush!
Type rest of the post here
Custom Search
Wednesday, 3 September 2008
6th Monthsary after Marriage!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment