Nagtataka siguro kayo kung bakit picture ng pusa at fish tank and nakapost ngayon. Naisip ko kasing maglagay ng fish tank dahil sabi ng ilan kapag daw merong fish tank or bird sa bahay, swerte daw. Try ko na rin malay natin totoo. Wala namang mawawala. Isa pa, gusto ko rin na meron nilalaro pag dumadating ako galing ng work. Meron namang isa at kaputol na isda sa loob ng tank na yan. YUn nga lang hindi ko pa gano maharap na lagyan ng abubot dahil hindi ko pa rin alam kung san makakabili. Magpapasama na lang kami minsan sa kapitbahay namin na nagbigay din nito. Actually meron pang isang fish tank na darating. Mukhang umuulan ng fish tank. Iniisip ko tuloy mag-alaga ng tilapya at bangus sa fishtank. hahaha.. Para kasing bigla kong na-miss yun mga Pilipinong Isda. ( Tama bang bigyan ng nationality ang mga kawawang isda?) anyways, hindi nman kasi masarap at fresh ang mga isda nila dito. At least sa pinas kahit ako ang maglilinis ng mga hasang ng isdang nabibili ko sa palengke eh nakasisigurado akong fresh yun. Ano pa ang namimiss ko. Me tulya at suso pa sila dito? Wala nman. Kundi re-cooked na prawn eh mga pugot na isda ang mabibili ko dito. Bakit nga ba? Sabi kasi ni Jamie eh ayaw niya ng merong ulo ang isda. ( Hello?! Ulo kaya ang masarap) Eh kasi daw, para daw nakatingin sa kanya ang isda pag kinakain nia at naaawa sia.Maryones!
Eh ano nman daw ang ginagawa nung pusa sa tabi ng tank. Sia si Cleo ang maarteng pusa. Hehe.. Mula nang ilagay namin yang tank at nakita niang merong dalawang isda na lumalangoy, eh ginawa na niyang tambayan yan. Sabi ko nun una baka nakikipagkilala. At maisip-isip ko nung huli eh meron pa lang masamang balak sa mga isda. Minsan nahuli ko medyo iba ang tingin sa mga kawawang isda at panay ang dila na akala mo batang meron naiwang sauce sa gilid ng labi. Ang loka, ibig pa yatang maging dinner un mga fish. Wala nman siyang magagawa at yung mga isda para pang nang-aasar sa harap nia. Sa awa ko eh nagbukas ako ng sardinas para ipatikim sa kanya. Bakit ba kasi, buong buhay nia eh puro catfood and ipinakain ng mga amo nia. Nung patikimin ko ng sardinas eh hayok na hayok ang bruhita. Tawa tuloy ng tawa si jamie. Si cleo daw eh mahilig na rin sa filipino foods. Akalain mo naisip pa ni Jamie yun eh sa pilipinas ang tawag sa pusang kagaya ni Cleo eh PUSAKAL ( in long, PUSANG-KALYE).
12 comments:
buti naman at nakagawa ka pa ng entry kahit pusa ang topic mo! so, mahirap pala bumili ng isda dyan dahil puro di na sila fresh at ibig sabihin nun ay bilasa na ba?
Meron sigurong nagtitinda ng mga fresh na isda pero hindi pa nman ako nakakita hehe.. Madalas frozen at pre-cooked ang mga isda nila dito. at kung makabili ka man nakow! pagkatabang tabang.. para bang walang lasa..
hello. dumaan at nakikibasa. di ako nakatiis magcomment.
kawawa naman si Cleo parang sabik na sabik kumain ng sariwang isda. parang tayong mga pilipino sabik sa tuyo at kamatis
hahaha! our cats loved looking at our fishtank at home too ;-)
nakita ko link mo sa blog ni payatot kaya nakibasa na rin ako. hindi pwede anak ko sa lugar nyo kase paborito nya isda.
nice blog. sana makadaan ka din sa blog ko...
http://topicsonearth.blogspot.com
http://butterfly-kusinako.blogspot.com
HUwag pabayaan ang isda kay Cleo. Baka matinik.
Agree ako dyan sis, magpalaki ka ng tilapaya sa fish tank mo para madali kang makakahuli pag gusto mong magprito lol..
I am trying to generate some support for our daughter. I entered her into a Smile Contest, so if you could please cast a vote for her every day until October 31st it would be so much appreciated. To cast your vote, please go to this link. Please look for Jillian Rylie Cottrill. Thank you very much for all your help!
hehehe..cute...sana d kainin ni miming yung fishes mo sis....
we have one too..love aquarium kasi....very soothing....lalo na pag pagod ka....
woi, nag work kana pala jan? matagal naba? ano work mo?
Uy totoo ba yun na swerte ang fish? Makapaglagay nga din hehehehe para pasukan din ng extra swerte ;) thanks!
Ahaha!Ngayon lang ako nabisita dito.Tawa ako ng tawa habang binabasa ko ito.Meron din kaming fish tank dito sa bahay but then hindi ko alam na swerte pala yan,naku sana nga eh swertihin hehe.
Buti na lang din at wala kaming pusa sa loob ng bahay meron chua hua hindi naman sya interested sa isda yung mga pusa namin mga street cats nagkalat sa tapat ng bahay namin naitismis na siguro sa kapwa pusa nila na may libreng pagkain silang matatanggap buhat sa amin.
Salamat nga pala sa bisita.:D
hooisstt!!bru!!ngayon ko lang nakita tong site mo na to ah!!bago ba to??
ayoko ng pusa eds...
Post a Comment