Custom Search

Thursday, 7 August 2008

Birthday and graduation!


Ang tagal ko na palang nabakante dito sa aking Talambuhayniedna blog! Ano na bang nangyari simula nun? Napunta lang ng Ireland nakalimutan na magsulat ng kung anik-anik na karanasan hehe.. Speaking of Ireland, maganda naman pala yun bansa na yun. Isang oras at kwarentaý singko minuto ang inilagi namin sa Stena Lines. At for the first time kinaya kong makatagal sa loob ng barko after ng madugong balita mula sa lumubog na barko sa Pinas after ng bagyong Frank. O kita mo, alam ko pa yun. Hehe nakatututok kaya ako sa TFC. Pero yun nga, nagbarko kami ni Jamie. Ang taray pala ng loob ng barko. As you can do anything you want. At my maliit na shop pa inside. Bonggacious naman pala sabi ko kay Jamie. Marami ring kainan sa loob at meron ilan na umiinom sa Bar sa loob. Panay naman siempre ang panalangin ko na walang masamang panahon kaming makasalubong. Dangan kasi nun umalis kami sa Cemaes eh mejo makulimlim na akala mo nagbabadya ng masamang unos. Anyways, eto na parating na kami ng Ireland. Panay ang kuha ko ng pictures na akala mo nman professional photographer nman ako at lahat ng anggulo eh kinuhanan ko. Ang problema kasi since si Jamie hindi mahilig sa picture eh nahihiya akong kalabitin at sabihin picturan ako. So nagtiyaga ako kakapicture pati ng bula mula sa papadaong na barko. Josme!

Eto na kami,palabas na kami ng barko at nakakagulat namang meron din palang Immigration Officers na nagchecheck dito. Kinabahan ako pero siempre sabi nga stay put ka lang jan. Dala ko nman ang passport ko. Ang hindi ko sigurado eh kung kailangan pa ng visa sa pagpunta dito. Hinarang na ako siempre pero tiningnan ko si Jamie para saklolohan ako. Sabi ko siya na ang makipag-usap para mas maliwanag. Pinaupo ako sa isang maliit na opis malapit sa line ng mga lumalabas na passenger. Naisip ko dito ko pa idinayo ang kahihiyan hehe... So kinambatan ako ni Jamie at sinabi sa akin na kailangan naming bumalik ng UK. Nakakahinayang nman sabi ko sa isip-isip ko kasi nagbayad pa kami tapos mapupunta lang pala sa wala. Ang problema kasi bakit hindi nman kami hinarang dun sa Holyhead pa lang kung hindi pwedeng magtravel ng walang Bisa noh! Maya-maya lumapit yun isang officer at sabi sa akin, "I should have confiscated your passport and stamped refused but i won't do that. " sabay tingin kay Jamie, "You'll take charge! since its only a day trip i'll allow you enter the country but don't tell anyone". Wagi and beauty ng lola! So at last nakatapak na ako sa Ireland. Huminga muna ako ng malalim at sinamyo ang hanging Ireland!

Punta muna kami ni jamie sa shopping mall bago kami tumuloy sa train station papuntang dublin. Parang sobrang laking city ng Dublin sa pakiwari ko. Basta ang alam ko eh ipinaubaya ko ang direksyon kay Jamie kasi wala naman akong alam dun. Pero kung biyaheng Sangitan or palengke to eh malabo ko ipagkatiwala ke Jamie. Pagdating namin sa train station sakay kami agad. Wala sa isip ko na mali pala ang direksyon na nasakyan namin, Malay ko ba .. Eto naman kasing si Jamie hindi nagtanong. So anong nangyari, naghintay ever kami ng biyaheng bus papuntang Dublin. Meron nman akong mga nakikitang Pinay sa kaso ang susuplada. Meron ilan na ngumingiti at yun isa nakachikahan ko. Kinumpirma nung ale yun mga suplada/supladong pinoy dun. Okay naman ang biyahe kasi parang naubos ang oras namin kakatanga sa paghihintay ng bus. Sobrang dalang nman ng bus na dumadaan. Daig ko pa ang nasa Castaneda na nag-aabang ng Byaheng Cabanatuan. After 1:30 hours siguro meron dumaan na bus pero hindi pa pala yun yung biyahe na hinihintay namin. Maryosep! Buti na lang idinala kami nun driver sa place na maraming bus na dumadaan.

Pagdating namin ng Dublin, kumain lang kami sa Mcdonalds na sobrang mahal at umuwi na rin. Ang galing ng experience hehe! Bumalik kami sa Dun Laoghaire at tuloy dun na kami nag-ikot bago sa takdang oras ng pagbalik namin sa Cemaes. Naisip ko na-miss ko kaagad ang aking bagong tirahan hehe. Bago mag-alas nwebe ng gabi eh nakabalik na kami dito sa bahay. Neg-enjoy nman ako. Nakita ako ni Jamie na malungkot nun pabalik na kami kaya sabi nia tara sa shop ( inside Stena Lines ) at yun binilhan niya ako ng bagong gift. Pagbalik namin masaya na ako siyempre. Nakakapagod lang pero naenjoy ko nman pati ang pagkaligaw namin!

After ng birthday ko kasunod na occasion na pinuntahan namin at ang graduation nitong aking sister-in-law. Nakakagulat ang graduation nila dito Super konte ng graduates. At mga magulang lang ang nakapasok sa ceremony. Kami ni Jamie eh nanonood lang sa malaking screen. Auditorium yata nila yun eh at feeling ko nasa sinehan ako.

Balik work ako pagkatapos ng mga okasyon ng July. Ngayon puro trabaho naman ako. Ang hirap ngayon kasi summer na at maraming guests sa Hotel kaya doble ang mga room na nililinis ko ngayon. Hay buhay OFW talagang mahirap kumita ng pera.

3 comments:

Mommy Liz said...

wow! ngayon ko lng nalibot tong site mo na, nakaka intriga pala, kailangan pala eh tagalog ang aking mga salita, di pwede ang wikang banyaga.
pakiramdam ko ba eh takot na takot ka noong hinarang kau ng immigration officer, hehehe..pinagpawisan ka ba ng malapot? kasi naman, hindi man lang kau nag tanong muna (pinagsabihan baga, hehehe)magandang karanasan din ang ganyan, para magkaroon kau ng leksyon..hahaha..saka magtatanong kung saan papuna ang bus..hihihihi..hay, naku, dapat dinagukan mo asawa mo eh, isinalang ka sa ganyang karanasan, hehehe. oh well..ganon talaga, at least ha, nakarating ka sa Ireland..oh di bonggacious..wow, nakakuha ako ng term mo ah...
pano, ako eh yayao na, hahahha..nice blog you got here..

eds said...

maraming salamat sa iyong pagdating sa aking blag! lahat ng iyong tinuran ay tunay ngang may katotohanan. Muntik ko na ngang mabuntal at madagukan ang aking kabiyak. Subalit naisip ko kahit paano ay gumawa siya ng paraan para sa isang sorpresa sa araw ng aking kapanganakan. Naks! At ang leksyon na iyong sinabi ay hindi ko kakalimutan. Hanggang sa muli!

Unknown said...

Hahaha Eds naalala ko tuloy nong 1st time namin sa Dublin...8 families yata kami...dami ano? Hahhaa pagpasok sa immigration hinarang ung isang family kc ala pa sila british passport ...certificate lang...jowa nya puti din...tas interrogation may picture taking pa na akala mo mga takas na bilanggo..kami naman nasa bus na papuntang Dublin ..masaya na sad kc baka maiwan ang isang family ...happy dahil nasa Dublin na...after half an hour pinayagan din ng immigration kc puti ang partner..buti na lang lolz...so tuloy ang ligaya..lumibot sa Dublin sa dami namin sangkatirba siguro nagtataka mga tao...pero nice experience...lovely sunshine at sobrang init that day. Nagkawala wala din kami sa totoo lang..imagine more than 20 kami pagala gala sa Dublin..can u imagine that...tas nong pabalik naman kami sa Holyhead naku tawanan na naman sa pagbaba...dba iba daan para sa mga walk in passengers? Ako naman na si leader kuno pinababa ko ang tropa sa mga may cars hahahahha nakababa kami tas balik ulit sa taas para sa proper exit..imagine ilang palapag din un . Hays unforgetable talaga gaya ng din ng 2nd visit namin dami din encounter...shonga lang sometimes lolz