Custom Search

Tuesday, 19 August 2008

Busy Weekend!

Ooopss! Ilang araw na nman akong nabakante sa aking BLAG. As in BLAG! Pano ba nman kasi, nagkaroon kami ng bisita ni Jamie. Dumating yung second brother niya kasama ang baby. Siyempre pa, todo linis nman ang lola mo. Lahat yata ng gagamba sa kisame nagwelga dahil sinira ko ang mga bahay nila. At pihado ang mga langaw din eh nagrereklamo dahil sa madulas na sahig. ( Sensya na me bisita eh!) Anyways, sabi ni Jamie tumawag daw yun nanay nia at sinabi na sabihin sa akin na itigil na ang paglilinis. Masyado daw akong aligaga sa pagpe-prepare. Pati nga utak ko eh gumagana habang naglilinis. Anong kulay ng bed sheet at ilalagay, anong pagkain ang ihahanda, at kung ang kusina ba eh malinis. Naku ewan ko ba. Basta sinabi ni Jamie na merong bisitang darating di na ako mapakali. Pano ba nman ang hirap pagsabihan nitong si Jamie. Kapag nanigarilyo akala mo sumabog ang bulkang pinatubo as meron pang "Ash Fall"sa lamesa kung saan nandun ang computer nia. Eto pa, since glass table yun at panay ang Tsa-a ng lolo mo, pihadong talo pa nia si Fernando Amorsolo sa paggawa ng obra maestra mula sa bilog na marka na gawa ng kanyang tasa. Naisip ko tuloy sa sarili ko, ang hirap pala ng meron asawa. Hmmp! Kaya nman pala ang nanay ni Jamie hindi na inaalala kung marumi ba o malinis ang bahay. Linisin mo kasi ngaun, after fifty-nine seconds marumi na ulit. Idagdag mo ba ang nagkalat na balahibo ng mahal niyang pusa. Maryosep! Minsan nga sa gabi nasasamid pa ako sa balahibo ng pusa na yun. Kaya hindi na nakapagtataka na gumigising ako na wala sa mood.

Well, ayun nga, dumating na ang mag-anak. Hmm.. Ang cute cute ng kanilang baby. Sabi ko sana kami rin ni Jamie eh magkaroon na rin ng angel. Baka sakali magkaroon ng slight development kay Jamie.

Okay nman ang mag-asawa. Mukhang naimpress pa nga sila. First time daw nila makita si Jamie sa isang malinis na bahay. Huwat?!! Para sigurong smokey mountain ang dating flat ni Jamie. Hmmp! Hindi na ako magtataka. Eh maliligo nga lang yun eh akala mo merong tulo sa bubong namin. Pulo-pulo ang mga tubig sa sahig. Sus! Yun pa nman ang ayaw ko. Kasi pag gumigising ako ng madaling araw ( Half-asleep, Half-awake pa ako siyempre ) , eh nagugulat pa ako pag natapakan ko yun mga tubig. Damongkles! Parang gusto mo tuloy mapamura pero hindi nman maiintindihan kaya ang siste eh sesenyas ka na lang at magagalit ng tahimik or di kaya'y magmumura sa isip. ( Sheeeetttt!!)

Nakakapagod din palang mag-istima ng bisita. Bukod sa kuntodo luto ka at ni hindi mo na makita ang sarili mo sa salamin eh kelangan laging kang nakikipagkwentuhan sa bisita. Susme! Minsan nga nabobobo na ako at bukod sa gabi na at mejo lowbat na ako sa english word eh ang bilis pang magsalita nitong sister-in-law ni Jamie. Pero ok nman. Nagkasundo kami ng lecturan nia si Jamie. Walang tigil na lecture about the effects of cigarettes. Hahaha! Si Jamie akala mo pinukpok na suso na paminsan-minsan namumula. Tinatablan siguro. Eh ano magagawa nia, titser itong kaharap nia. Ako nman panay ang segunda pero naisip ko baka natorture namin ng husto ang utak ng honey ko. kawawa nman!

Sunday night umuwi na rin ang mag-asawa. Hay salamat at marerelax na rin. Pano kapag ganitong meron bisita eh pati pagpapakawala ng masamang hangin sa tiyan hindi ko magawa. Hehehe.. Dala ng pagiging conscious yun . Pati paglakad dahan-dahan. Kaso nun umuwi sila eh na-miss ko nman ang cute angel nila. Ang bait kasi nun bata. Ang sarap alagaan at panay lang ang laro. Kantahan mo lang ng Boom Tarat- Tarat eh humahagalpak na sa katatawa. Di bale, magkikita-kita nman kami this saturday kaya i'm sure eh makikilik ko na ulit sia.

Type rest of the post here

Read More......

Thursday, 7 August 2008

Birthday and graduation!


Ang tagal ko na palang nabakante dito sa aking Talambuhayniedna blog! Ano na bang nangyari simula nun? Napunta lang ng Ireland nakalimutan na magsulat ng kung anik-anik na karanasan hehe.. Speaking of Ireland, maganda naman pala yun bansa na yun. Isang oras at kwarentaý singko minuto ang inilagi namin sa Stena Lines. At for the first time kinaya kong makatagal sa loob ng barko after ng madugong balita mula sa lumubog na barko sa Pinas after ng bagyong Frank. O kita mo, alam ko pa yun. Hehe nakatututok kaya ako sa TFC. Pero yun nga, nagbarko kami ni Jamie. Ang taray pala ng loob ng barko. As you can do anything you want. At my maliit na shop pa inside. Bonggacious naman pala sabi ko kay Jamie. Marami ring kainan sa loob at meron ilan na umiinom sa Bar sa loob. Panay naman siempre ang panalangin ko na walang masamang panahon kaming makasalubong. Dangan kasi nun umalis kami sa Cemaes eh mejo makulimlim na akala mo nagbabadya ng masamang unos. Anyways, eto na parating na kami ng Ireland. Panay ang kuha ko ng pictures na akala mo nman professional photographer nman ako at lahat ng anggulo eh kinuhanan ko. Ang problema kasi since si Jamie hindi mahilig sa picture eh nahihiya akong kalabitin at sabihin picturan ako. So nagtiyaga ako kakapicture pati ng bula mula sa papadaong na barko. Josme!

Eto na kami,palabas na kami ng barko at nakakagulat namang meron din palang Immigration Officers na nagchecheck dito. Kinabahan ako pero siempre sabi nga stay put ka lang jan. Dala ko nman ang passport ko. Ang hindi ko sigurado eh kung kailangan pa ng visa sa pagpunta dito. Hinarang na ako siempre pero tiningnan ko si Jamie para saklolohan ako. Sabi ko siya na ang makipag-usap para mas maliwanag. Pinaupo ako sa isang maliit na opis malapit sa line ng mga lumalabas na passenger. Naisip ko dito ko pa idinayo ang kahihiyan hehe... So kinambatan ako ni Jamie at sinabi sa akin na kailangan naming bumalik ng UK. Nakakahinayang nman sabi ko sa isip-isip ko kasi nagbayad pa kami tapos mapupunta lang pala sa wala. Ang problema kasi bakit hindi nman kami hinarang dun sa Holyhead pa lang kung hindi pwedeng magtravel ng walang Bisa noh! Maya-maya lumapit yun isang officer at sabi sa akin, "I should have confiscated your passport and stamped refused but i won't do that. " sabay tingin kay Jamie, "You'll take charge! since its only a day trip i'll allow you enter the country but don't tell anyone". Wagi and beauty ng lola! So at last nakatapak na ako sa Ireland. Huminga muna ako ng malalim at sinamyo ang hanging Ireland!

Punta muna kami ni jamie sa shopping mall bago kami tumuloy sa train station papuntang dublin. Parang sobrang laking city ng Dublin sa pakiwari ko. Basta ang alam ko eh ipinaubaya ko ang direksyon kay Jamie kasi wala naman akong alam dun. Pero kung biyaheng Sangitan or palengke to eh malabo ko ipagkatiwala ke Jamie. Pagdating namin sa train station sakay kami agad. Wala sa isip ko na mali pala ang direksyon na nasakyan namin, Malay ko ba .. Eto naman kasing si Jamie hindi nagtanong. So anong nangyari, naghintay ever kami ng biyaheng bus papuntang Dublin. Meron nman akong mga nakikitang Pinay sa kaso ang susuplada. Meron ilan na ngumingiti at yun isa nakachikahan ko. Kinumpirma nung ale yun mga suplada/supladong pinoy dun. Okay naman ang biyahe kasi parang naubos ang oras namin kakatanga sa paghihintay ng bus. Sobrang dalang nman ng bus na dumadaan. Daig ko pa ang nasa Castaneda na nag-aabang ng Byaheng Cabanatuan. After 1:30 hours siguro meron dumaan na bus pero hindi pa pala yun yung biyahe na hinihintay namin. Maryosep! Buti na lang idinala kami nun driver sa place na maraming bus na dumadaan.

Pagdating namin ng Dublin, kumain lang kami sa Mcdonalds na sobrang mahal at umuwi na rin. Ang galing ng experience hehe! Bumalik kami sa Dun Laoghaire at tuloy dun na kami nag-ikot bago sa takdang oras ng pagbalik namin sa Cemaes. Naisip ko na-miss ko kaagad ang aking bagong tirahan hehe. Bago mag-alas nwebe ng gabi eh nakabalik na kami dito sa bahay. Neg-enjoy nman ako. Nakita ako ni Jamie na malungkot nun pabalik na kami kaya sabi nia tara sa shop ( inside Stena Lines ) at yun binilhan niya ako ng bagong gift. Pagbalik namin masaya na ako siyempre. Nakakapagod lang pero naenjoy ko nman pati ang pagkaligaw namin!

After ng birthday ko kasunod na occasion na pinuntahan namin at ang graduation nitong aking sister-in-law. Nakakagulat ang graduation nila dito Super konte ng graduates. At mga magulang lang ang nakapasok sa ceremony. Kami ni Jamie eh nanonood lang sa malaking screen. Auditorium yata nila yun eh at feeling ko nasa sinehan ako.

Balik work ako pagkatapos ng mga okasyon ng July. Ngayon puro trabaho naman ako. Ang hirap ngayon kasi summer na at maraming guests sa Hotel kaya doble ang mga room na nililinis ko ngayon. Hay buhay OFW talagang mahirap kumita ng pera.

Read More......